NAPAPANSIN niyo ba na dumarami na ang mga Philippine adaptation deals ng mga Korean iconic movies? Ang latest na kinumpirma ay ang remake ng ‘My Sassy Girl‘ na si Toni Gonzaga ang bida. This time, KDrama naman ang gagawan ng remake.
Ang May-December love affair series na ‘Encounter‘ na pinagbidahan nina Song Hye Kyo at Park Bo Gum noong 2018 ay magkakaroon na ng Pinoy flavor. Ang equally pretty actress na si Cristine Reyes ang hahalili sa papel na ginampanan ni Song Hye Kyo habang
ang nagbabalik-showbiz na si Diego Loyzaga naman ang gaganap sa role na ginampanan ni Park Bo Gum.
Naging big hit ang pagtatambal nina Song Hye Kyo at Park Bo Gum sa original series. Tila two generations kasi ng KDrama lead stars ang nagsama. In real-life ay twelve years ang agwat nila. Isa si Song Hye Kyo sa kauna-unahang Korean drama actress na minahal ng mga Pinoy. Nagbida ito sa Endless Love: Autumn in my Heart, Full House at Descendants of the Sun, na nagkaroon din ng Philippine remake sa GMA-7 na pinagbidahan naman nina Jennylyn Mercado at Dingdong Dantes.
Si Park Bo Gum naman ang isa sa most loved KDrama Oppas ng bagong henerasyon. Nag-umpisa bilang character actor, minahal siya ng mga tao sa Reply 1988. Ito’y nasundan pa ng ilang K-Dramas tulad ng Love in the Moonlight at ang hit Netflix drama series na ‘Record of Youth’. Kasalukuyang nasa military ngayon si Park Bo Gum.
In real-life ay six years lang ang agwat ng edad nila Cristine at Diego. Sa totoo lang, mukha lang silang magka-edad!
Sa Subic at Ilocos Norte kukunan ang mga eksena sa Pinoy version ng Encounter. Third week of March ang tentative airing date nito sa TV5.
Panoorin ang original trailer ng Encounter: