EWAN KUNG maaasar o maa-amuse sina Cristine Reyes at Rayver Cruz kapag nalaman nila ang latest chika sa kanila.
Me nakapagtsismis kasi sa amin na meron daw sex video ang ex-couple, bagay na mahirap paniwalaan.
Unang-una, bakit ngayon lang lumabas ang chismis gayong hiwalay na sila nang halos isang tao?
Second, parang hindi naman capable ang dalawa na gumawa ng ganoon, lalo na si Rayver na masyadong conservative.
Maniniwala lang kami kung meron kaming makikitang ebidensiya.
We highly doubt na meron ngang sex video ang dalawa. Kasi kung meron, aba, kumalat na ‘yan sa social media at pinagpiyestahan na.
O baka naman meron nga pero mga look-alike lang nila. Puwedeng ganoon, ‘di ba? Lalo pa’t usung-uso ang look-alike ng mga artista ngayon.
HUNK NA hunk ang dating ni James Yap sa bago niyang endorsement.
Shirtless kasi ang basketball player bilang image model ng isang sports retail chain na isa sa pinakapopular sa bansa.
All the three photos that we saw captured him in tasteful states of undress. ‘Yung isa’y meron siyang hawak na bola, meron naman siyang hawak na dumbells sa isang shot at ang isa nakahubad lang siya.
Buffed na buffed si James sa photos at mukhang talagang pinaghandaan niya ang pictorial. Seksing-seksi siya at walang kabilbil-bilbil.
Tiyak na maglalaway ang beki o girl na makakakita sa kanyang billboards.
Naku, hindi kaya isa na doon ang kanyang ex?
HOW TRUE na one time daw ay galit na galit itong si Angelica Panganiban sa Dreamscape publicity director na si Eric John Salut.
Me one time raw na super imbiyerna ang dyowa ngayon ni John Lloyd Cruz kay EJ dahil ang tagal daw bayaran nito ang kanyang pagkakautang.
True ba ito, Angelica, EJ?
Ang dagdag pang chika, kaya raw super close itong si EJ kay Pokwang ay dahil meron din daw itong nahiram na datung sa comedienne.
Teka, alam kaya ni Deo Endrinal ng Dreamscape o ni Charo Santos-Concio ang mga chikang ito about their employee? Hindi maganda sa corporate image ng ABS-CBN ang palautang na employee, ‘no!
Any comment, EJ?
SAW ANG Kuwento ni Mabuti as we were invited by one avid Noranian, Pit Maliksi.
The movie, in all honesty, is so simple but the presence of Nora gave it SIGNIFICANCE.
Nora played her role to the hilt and immersed herself into the character to give it a more truthful portrayal.
Unang eksena pa lang ay makikita mo ang isang probinsiyana, si Mabuti, at hindi si Nora. The Superstar dressed up and acted like one barrio woman and delivered her lines in near-perfect Ilocano accent.
Her IMMERSION always work to her advantage. Siya lang yata ang nakaaalam ng salitang ‘yon. Mes de Guzman shared na it was Nora who suggested na gawing Ilocano lahat ng dialogue sa movie, something which an actress of lesser caliber will not do since it would entail a lot of work. Siyempre, kailangan mong i-memorize ang mga dayalog mo sa wikang Ilocano kaya added stress ‘yon sa sinumang artista, ‘di ba?
We feel that given some editing ay mas maa-appreciate ng moviegoers ang pelikula. It’s not that the film is bad. Actually, it’s a good movie kaya lang merong mga eksenang hindi na kailangan like the scenes of that barangay captain na wala namang naidulot na sustansiya sa movie.
Acting-wise, nobody can find fault in Nora. Her legendary eyes have its own acting style. One can feel emotions SEEPING through her eyes, giving her performance SOUL.
Siya lang ang may ganoong kakayahan, something na wala ang mga VILMA SANTOS na ‘yan, ang mga SHARON CUNETA na ‘yan, ang mga MARICEL SORIANO na ‘yan, ang mga GINA ALAJAR na ‘yan, ang mga LOLITA RODRIGUEZ na ‘yan.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas