MALAKI ANG epekto ng teleseryeng Honesto kay Cristine Reyes. Mas naging honest siya lalo lalo pa’t ang mensahe na gusto nilang itawid sa mga manonood ay ang tungkol sa pagiging matapat at pagiging totoo.
Si Cristine, isa sa mga artista natin na very vocal at straight forward sa kanyang nararamdaman. Kung ano ang nararamdaman niya, ‘yun ang sinasabi niya.
Kung minsan, dahil sa kanyang pagiging prangka, napapahamak tuloy siya. Siya ag tipong artista na marunong sumagot base sa kung ano ang nararamdaman niya at naiisip. Hindi siya ekladora, kiyemedora sabi ng mga taong nakakasalamuha siya palagi.
What you see in her is the real Cristine. May pagkaluka-luka na kung minsan you will be shocked sa pagiging “totoo” niya. Black is black. White is white. Walang gray area.
Sa tanang buhay niya bilang artista, aminado siya na sa relasyon nila ni Denis Trillo lang yata siya nagsingungalng.
“‘Yun kasi ang gusto niya. Huwag sabihin sa press at sa public kaya ako naman, sige. ‘Yun lang pala,” sabi niya sa press during the finale presscon for the teleserye ng Honesto na magtatapos na sa March 14.
Kaya nga sa pagiging vocal niya, love siya ng mga press dahil ang bawat buka ng bibig niya ay quotation na puwedeng pang-banner sa artikulo o column.
Loveless si Cristine ngayon. “Two years na ako walang karelasyon,” sabi niya. Kaya nga nagtataka siya kung saan nagmumula ang bali-balita tungkol sa sinasabing nakipagbalikan daw ang mga ex-boyfriends niya na sina Rayver Cruz at Derek Ramsey.
“It’s not true. Si Derek we’re friends. Si Rayver, may dini-date ‘yan. Naglolokohan kami. We’re friends.”
Sa pagiging straight forward ni AA (tawag sa kanya ng mga close sa kanya), napagkakamalan na mataray siya.
Siguro, prangka lang si Cristine na kung minsan, ang pagiging pranka niya, nami-misinterpret na masyado siyang bulgar. Pero sa panahon na ang karamihan ng tao ay nagsisinungaling (o super sinungaling man or nagwa-white lies) at mabibilang mo lang ang mga totoong “honest” sa buhay tulad ng mga binibigyan nila ng parangal sa show na mga ordinary people (MMDA street sweeper, kutsero ng kalesa at ‘yong dalawang bata na nagsoli ng natagpuan na SRL camera), si Cristine, being frank, being real ay maiko-consider na isang “Honesto” sa showbiz dahil tulad ng sabi niya, she speaks the thruth.
Reyted K
By RK VillaCorta