IBINANDERA NA ni Cristine Reyes ang non-showbiz boyfriend niyang half-Persian, half-Filipino sa publiko. In love na naman ang dalaga kaya’t last bold film na raw niya ang Trophy Wife with Derek Ramsay, Heart Evangelista at John Estrada under Viva Films. May pagka-conservative daw ang dyowa ng sexy star. Ayaw nitong nakikita on the big screen ang kanyang girlfriend na nakikipagkangkangan kay Derek.
Gustong patunayan ni Cristine, marunong rin naman siyang umarte. Pero sa tipo ng bago niyang pelikula, obvious na ‘sex’ ang ibinebenta, hindi ang istorya. Kung nagkataong boyfriend na ni Cristine ang Persian guy na ito, malamang na hindi niya gagawin ang maiinit niyang eksena with Derek and John. That time kasi may relasyon pa sina Cristine at Derek kaya bigay na bigay to the highest level ang kanilang love scene.
Sa totoo lang, kaya pinanonood ng mga kalalakihan ang pelikula ni Cristine dahil pinagpapantasyahan siya ng mga ito. ‘Yung hubad na katawan niya ang gustong makita ng manonood, wala silang keber kung bano o marunong kang umarte . Tipong nangangarap ngayong maging serious actress itong si Cristine. Walang masama du’n, pero ‘yung bigla-bigla kang mag-iiba ng image to prove to yourself you can act, hindi ganu’n kadali ‘yun.
Gusto nang kumawala ni Cristine sa pagiging sexy star. Patutunayan raw niya may acting power siya para matawag na tunay na actress sa mga susunod nitong TV serye at movie project. Anong klaseng movie project ang ibibigay ni Boss Vic del Rosario kay Cristine kung totoong ayaw na nitong magpa-sexy sa pelikula?
All praises ngayon si Cristine sa bago niyang dyowa. Marami raw siyang natutunan rito. Nag-iba na raw ang outlook niya sa buhay, positive palagi sa bawat trial na dumarating sa kanya. Kakaiba raw ang Persian guy na ito compared sa mga naging boyfriend niya in the past. Magkasundo sila sa maraming bagay kaya madali silang nag-click as couple.
SOBRA KAMING nag-enjoy sa panonood ng musical stage play na Filipinas 1941 ng Philippine Stagers Foundation sa St. Scholastica College last Sunday. Outstanding performance ang ipinakita ng buong stagers. As always, super galing nina Vince Tanada as Felipe and Patrick Libao bilang si Nestor. Magkapatid na pinaghiwalay ng digmaaan.
Pati lightning, production design at costume ng nasabing play ay fantastic. Pang-International na nga ang naging presentation ng pagtatanghal kaya’t very proud si Vince n dalhin ito sa ibang bansa.
Aside sa pagiging actor/writer/director ni Vince. Sa dami ng magagandang play na naisulat at naisadula ng Palanca winner, bakit hindi nito isalin sa pelikula ang isa man lang sa kanyang obra?
“May plano akong mag-produce ng isang musical film na pagbibidahan ni Piolo Pascual. “Gusto kong gawin ‘yung “Ako Si Ninoy, A Filipino Musicale” (2009). It’s a stage play na gagawin kong pelikula. Si Piolo ang napili ko because his a good actor at marunong kumanta. Alam ko namang gumagawa rin siya ng indie film. I hope, tanggapin niya itong project namin. Siya lang ang sikat na artista sa film ko if ever tanggapin niya itong project, all of the actors are stagers,” say ni Vince.
If ever mapapayag si Papa P., plano ni Vince na ilahok ito sa Metro Manila Film Festival 2015. Ayon sa magaling na actor, “Mag-iipon muna na tayo para may budget for the film. Kung tanggapin ni Piolo, sure na tuloy ang project na ito,” say ni Vince.
For Piolo, it’s another journey sa kanyang career as an actor. First time na gagawa ng musical ang binata. With the good material, I’m sure willing si PJ to accept the offer of Vince Tanada.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield