Cristine Reyes, dapat mag-seminar kay Ara Mina!

ARAW NG KALAYAAN ngayon, pero ba’t gano’n? Parang balewala lang ‘to para sa ibang tao? Parang ang dating, eh, “Oy, walang pasok bukas, kasi, Araw ng Kalayaan.” Hanggang gano’n na lang ba ‘yon?

Na nagbubunyi pa ang iba, kasi, walang pasok sa eskuwela at opisina. Pero ‘yung true meaning of Independence Day ay hindi alam ng marami?

‘Kalungkot, ‘no?

Sa mga hindi nakakaalam, ang Araw ng Kalayaan ay… ahm… ah… naku, hindi rin pala namin alam, o! Hahaha!

Hay, naku… ano ba? Alam naman namin siyempre kung ano’ng meaning niyan. Actually, alam din naman ng marami ‘yan, eh.  Nasa puso nila ‘yan. Masyado lang silang nag-e-enjoy, dahil nga holiday… bakasyon… long weekend nang bonggang-bongga, ‘di ba?

Alam natin ang meaning ng Araw Ng Kalayaan, pero sa panahon ba ngayon na nagkakagulo sa pulitika, kani-kaniyang kurakot at pagiging makasarili na nauuwi sa paghihirap ng ating mga kababayan, nararamdaman pa ba natin ang Araw ng Kalayaan?

Parang hindi na, ‘no! Parang mas ramdam natin ang hirap… ang dusa… kesa pagiging malaya.

“Ang bayan kong Pilipinas… lupain ng ginto’t bulaklak…” Naku, kinanta ko na raw ang awiting simbolo ng ating kalayaan, pero hindi naman natin nararanasan sa pang-araw-araw nating kabuhayan.

‘Kalokah.

‘Yun na lang daw ang nasabi ko, o!

SOON TO BE released na raw ang sex video ni Anne Curtis, Bea Alonzo at kung sino-sino pa with Hayden Kho. Ano ba?  Juice ko, puro na lang tsismis, wala namang pruweba. Meron ba talaga o eklat na lang ‘to?

Hindi na nga kami masa-shock kung isa sa mga araw na ‘to, me kumalat ding balita na si Hayden Kho, eh, tinira rin si Madame Auring o si Mahal, eh. Parang lahat na lang i-link ba kay Hayden?

Meron ngang isang video. Si Rufa Mae Quinto daw ‘yon. Pero kamay lang daw ni Hayden ang bumubulatlat sa pagkababae nu’ng nasa video. Juice ko, sure ba sila na kamay ni Hayden ‘yon o kamay ni Hilda lang ‘yon?

‘Kalokah, lahat na lang ba ng video, si Hayden ang may kagagawan at siya rin ang bidang lalaki roon?

Hay, naku, Hayden. Thanks, ha? Kasi, ‘yung atin, hindi mo pa rin inilalabas. Strict pa naman ang mom ko, syet.

“SINCE MATANDA NA pala ako, eh, bata pa siya, kaya hindi ko siya papatulan!” ‘Yan ang bonggang statement ni Pokwang sa sinabi ni Cristine Reyes na, “matandang ‘yan” sa kanya nu’ng mainterbyu namin siya sa aming radio program.

“Ang dami kong kaibigan. Ang puhunan ko rito, pakikisama. Kung salbahe naman akong tao at hindi ako marunong makisama, eh, ‘di sa inyo mismo, marami nang nagreklamo, ‘di ba?”

Oo nga naman. Parang ang ikli ng pasensiya ni Cristine sa mga isyu sa showbiz. Parang ang dali niyang mapikon, mainip.  Eh, kung ayaw niya ng mga nangyayari sa paligid niya, eh, umeksit na siya sa showbiz, ‘di ba?

Kung hindi matibay ang sikmura mo rito, eh, mag-quit ka na lang sa showbiz. Tingnan n’yo ‘yan, umalis siya sa GMA-7, ngayon naman, gusto na niya uling bumalik?

Ano’ng klaseng artista ‘yan? ‘Pag ayaw mo na, lipat ka na? Ganu’n ba kadali ‘yon?

Dapat ke Cristine, eh, mag-seminar sa Ate Ara niya.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleDra. Vicki Belo, takot magsalita?!
Next articleMaricar Santos, Gerald Madrid’s new prospect

No posts to display