According to Direk Mark Meily, hindi siya nagkaroon ng kahit anong problema kay Cristine Reyes habang ginagawa nila ang pelikulang “Elemento” na showing na bukas, April 6. Kaya medyo nagulat daw siya na may mga lumabas na isyu tungkol sa aktres at kay Vivian Velez.
“Pumutok ‘yung balita habang nagsi-shooting kami. Honestly, hindi ako makapaniwala. Iba ‘yung pino-portray ng isang artista du’n sa Cristine Reyes na kasama namin sa shooting.
“This is my second time to work with Cristine, first time sa “El Presidente”. I think, malaking bagay ‘yung pagiging mommy ni Cristine. Kasi ang laking… kasi I haven’t work with her nu’ng bago siya, pero ‘yung maturity ng isang artista, nasa kanya.
“‘Yung pagiging seryoso sa craft, ‘yung pagiging organized at saka pinag-aaralan niya ‘yung ano, nagugulat ako kasi mayroon siyang questions about psychology, which is very important sa pagiging… you know, ina ka tapos nakita mo ‘yung anak mo, iba ‘yung behavior (sa movie), tinatanong niya ‘yun,” dire-diretsong depensa ng director kay Cristine.
Hindi rin daw naging problema ang ibinigay na cut-off time ni Cristine na 2 a.m. para maka-segue ito sa taping ng “Tubig at Langis”.
“She’s on time, tapos kahit may cut-off siya ng 2 a.m. sa set, but one thing I’m very happy about the shoot is hindi kami lumalampas ng midnight. 9 p.m. pa lang, nakauuwi na si Cristine. Si Cristine is very professional,” sabi pa niya.
La Boka
by Leo Bukas