PASKUNG-PASKO, EH, TILA may intrigahan blues pang namamagitan between Cristine Reyes and Heart Evangelista. Dahil nga sila naman din ang mga nasa limelight at humahataw ang individual careers, kaya kasama na ang intriga sa popularity ng artista.
Intriguing kasi ang statement ni Dennis Trillo tungkol sa paghanga niya kay Heart na co-star nito sa Mano Po 6, kaya ayon sa chika, nagpadala raw ng “disturbing” messages recently si Cristine kay Heart. Pero sa mga sumunod na pangyayari ay nag-apologize naman daw si Cristine.
Sey ng manager ni Cristine na si Veronique del Rosario-Corpus sa amin a couple of months ago, ang attitude daw ni Cristine ay “what you see is what you get” and prangka, pero hindi naman daw ito maldita.
Misinterpreted lang daw si Cristine kadalasan at mahilig makipagkuwentuhan sa press na hindi nito alam, eh, puwede siyang i-quote ng mga ito, without telling them na i-off the record ang kuwento niya.
Siyempre, ang press ay hindi nagpahuli in getting Heart’s feelings about the matter during the presscon ng pelikula nila ni Dennis with Sharon Cuneta.
ISANG TWITTER FOLLOWER ni Cristine ang nagbalitang isinulat ng young actress sa kanyang Twitter account ang disappointment nito sa nangyari.
“Cristine’s recent tweets hinted that she was upset at the fact that the issue is being used to promote Heart’s movie,” sabi ng source.
Samantala, dinedma na lang ito ni Heart. Kung siya man ang tunay na owner ng Twitter account nito (at hindi fake), ang post nito bilang reaction ay:
“All is fair in love and war so let’s stop all of these. Guys, remember tao lang lahat ng artista. Sometimes we’d like to express. Don’t hate:).”
Wow. Talagang hi-tech na ngayon ang showbiz. Online na ang pagkuha ng reactions/ statements pagdating sa issues like using Facebook at Twitter, huh!
LEADING MAN NI Angelica Panganiban si Derek Ramsay sa I Love You Goodbye, pero nauna pa sa billing sa poster ng pelikula ang pangalan ni Kim Chiu.
Sa first line sa gitna siyempre ang name ng lead actress na si Angelica, sa second line ay nauna ang name ni Kim, sinundan ni Derek, at sa third line ay may all-important “and” bago ang pangalan ni Gabby Concepcion na gitnang-gitna rin.
Pagpapatunay lang kung gaano inaalagaan ng Star Cinema si Kim as one of their prized possessions, na kung fan base lang ang pag-uusapan, eh, hataw ang career nito sa ABS-CBN.
For us, mahalaga ang billing ng isang artista dahil proteksiyon ito sa image at pangalan nila.
Hindi naman siguro magtatampo si Derek sa billing niya, dahil kahit siya ay hindi nawawalan ng raket sa Kapamilya network, just like the three other stars ng movie. May kasabihan ring kung ano ‘yung ipinakita mong performance onscreen ang mas magtatagal sa kamalayan ng audience.
May pagka-offbeat ang role ni Kim sa Laurice Guillen movie, na hindi pa-sweety-sweety unlike her past films, pero ina-assure naman nito sa fans na kailangan ito sa character niya.
AGAW-EKSENA SI Niña Jose sa Mano Po 6 sa napanood naming premiere night ng Mano Po 6 ni Direk Joel Lamangan sa Megamall last Sunday.
May dalawang kissing scenes ito kay Dennis Trillo at may bed scene pa.
Puwedeng mag-ala Jaclyn Jose or Lorna Tolentino ang packaging ng manager niyang si Manny Valera, na nagsimula sa pa-sexy pero puwedeng maging serious dramatic actress in the future, dahil in fairness eh, nakakaarte ang dating PBB Teen housemate.
Ang sexy ni Niña kaya no wonder siya ang kinuhang endorser ng Tanduay at talbog na sina Katrina Halili na sinundan nito! ‘Yun na!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro