GALIT NA galit si Cristine Reyes sa isang basher niya na nakikialam sa buhay niya.
Wala kasing pakundangan ang basher sa paninita nito sa pagpunta sa club ni Cristine. Parang affected much siya sa mga pino-post na photos ng dalaga while inside a club together with her friends na mostly naman ay non-showbiz.
A certain @reniel_aquino23 posted this message sa Instagram: “Y don’t you help Cristine? Instead of going to the night club the other night.”
Mainit yata ang ulo ni Cristine kaya naman kaagad niya itong sinagot ng, “Hi may problema ka ba sakin? may dapat ba tayongh pag-usapan? please contact @miguellaureta my road manager from @vivaartistsagency if ever na may utang ako sayo at ganyan ang galit mo sa akin. Wag ka na magdamdam. Padala ko sa’yo lahat ng donations namin ng mga kaibigan ko at family ko. nakaka-hiya kasi mag-post ng mga pagtulong ko sa mga biktima sana maunawaan mo. selfie ko rin ang relief goods namin para sayo. wag ka na po kayo magalit. mwah #peace #love and sabi ni @egarivera #rock&roll,”
To the rescue naman ang Cristine fans at nilait ang basher.
“Ma’am Cristine baka po siguro di nila alam na may mga previous engagements kayo bago pa dumating si Yolanda sa ‘Pinas.At di po nila alam na may sense of responsibility kayo as Artista sa mga napangakuan nyo. . And as of helping the victims of Typhoon Yolanda,pwde naman po kayo tumulong anytime you want kase walang time limit ang pag tulong sa kanila. In fact its on going kaya u dont hv to explain to them,” one fan tweeted.
“Fyi yun na experience ng mga nasa Tacloban na experience ni Miss Reyes. She almost drowned in her own home so she knows better than most what the affected people of the calamity is going through. Shame on you. Sino ka to tell her how she should help,” mataray naman na comment ng isa pang supporter ng dalaga.
“Ahahaha umeepal kasi! Tumulong knalang kesa mgbabad ka sa instagram, bka maging instaporn mukha mo! Push mo yan teh!” pang-aasar naman ng isang maka-Cristine.
Pero merong kumampi sa basher, ha, and commented, “hihihihih=)) tama n nman yun lalaki!! Paki-tignan ninyo previous posts at pati date ng posts ni Cristine Reyes puro party at nightclub! kelan lg b cia ngconcern sa Yolanda victims?? parang knina lg umaga! it’s too late last Fri. n occured yun Yolanda! ilan araw n?? Too late! kung hdi kmi ngcriticize c Cristine Reyes! Hdi nman niya Gagawin!! hihihihihihihi=)).”
HINDI NAMIN napanood ang DZMM radio show niya at hindi rin namin napakinggan sa radio pero nabasa namin sa isang website na pinalagan ni Korina Sanchez ang report ng CNN news anchor na si Anderson Cooper na nagsabing walang “organized relief and rescue operation around Tacloban”, walang masyadong relief effort at walang malaking military presence sa Tacloban.
Apparently, nag-react itong si Korina sa kanyang radio show and reportedly said, as reported by PinoyAmbisyoso website, Cooper doesn’t know what he is talking about.
Ang daming nag-react sa statement ni Korina, most of them pro-Cooper.
Ang stand-up comedian na si Kim Idol ay hindi pabor sa reaction ng news anchor ng Dos.
“Eto namang si Korina Sanchez mega patol kay Anderson Cooper… mag repack na lang tayo ng mga relief goods. Kumilos kung gustong tumulong,” he tweeted.
Say naman ng isang @J_omer_B, “Anderson Cooper is with the people of Tacloban while Korina Sanchez is in comfy studio in QC. Who do we believe? @AC360 @dzmmradio.”
For @QueenPetraK, “Anderson Cooper = Truthful Journalism; Korina Sanchez = Tabloid Reporting! You witch!!! #CNN.”
One @heyyCaleb commented, “Dear Korina Sanchez, Anderson Cooper, he just stated his observations and it’s his job to report it. #TruthHurts.”
Against din si @aclockworkraven kay Korina when he tweeted, “Korina Sanchez vs. Anderson Cooper. Of course, I’m all in for Cooper. After all, he is CURRENTLY SEEING THE REAL SITUATION in Tacloban.”
Para kay @nikkapaloma, nagsasabi lang nang totoo ang CNN news anchor.
“”No LEADER. No government. No civil defense in PH.” – Anderson Cooper on CNN. Just reporting what he sees,” say niya.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas