NAGMARKA si Cristine Reyes sa pagiging isang palaban na aktres. Simula nang ilunsad ang kanyang showbiz career sa reality-based artista search na Starstruck ay nakitaan na ito ng potensyal na sundan ang career path ng kanyang older sister na si Ara Mina.
Pagkatapos malinya sa mga kontrabida roles, agad na hinubog si Cristine bilang isang sexy dramatic actress. Sa kanyang debut nga ay nagpose ito agad sa isang sikat na panlalaking magazine at doon na nag-umpisang magbukas ang pinto ng oportunidad para sa kanya. Dahil sa career move na ito ay nakalipat siya sa ABS-CBN at doon ay lalong nagningning ang kanyang bituin.
Despite the fact na sa kanyang fiesty and sexy image siya nakilala, oras na para kay Cristine Reyes na pumalag sa sexy roles.
Sa bagong podcast ni Liza Soberano ay nag-open up si Cristine tungkol sa kanyang karera.
Pagdating sa acting ay gusto pa rin niya itong gawin, pero nafu-frustrate na rin daw siya sa mga offers na natatanggap niya.
“I would still want to do it until I get old. The only thing that hinders me from loving my job is doing some roles that I myself am not comfortable [with] — movies that are advocating affairs, and endorsing something like liquor and then you’re wearing a two-piece.”
“For me, my God, I’m so tired. I don’t want to do it anymore. It makes uncomfortable, first. Second, you lose your self-respect. That’s the only thing that bothers me a lot with my career. I’ve always [been] seen in a different light — that I’m an object,” paliwanag niya.
Sa podcast ay inalala ni Cristine ang isang offer na natanggap niya kamakailan na isang dream director dapat ang makakatrabaho niya.
“When I went back from LA, gosh, I got offered another movie with a dream director. So, I’m like, ‘Okay, I will listen.’ As I was listening, I was shocked because I already voiced out my sentiments about doing those kind of stuff. Then here we go again. My God, I cried. I was sobbing. Coming back from LA, doing a lot of self-work, now I’m faced with this again,” pag-amin niya.
Kahit na gusto niyang i-reject ang role, nagdalawang-isip ito dahil takot siya na baka kung siya ay humindi ay mawawalan na siya ng trabaho.
“Am I going to be pushed over again? I was scared that if I decline, would I still get work? I’m a single mom and nobody is supporting me.”
Ayon kay Cristine, ang showbiz ang kanyang “escape from home” noon, pero a “different kind of monster” ang kanyang nakasalamuha.
“I had to swallow it. I had to pose in a bikini for a magazine. I was helpless. I was portrayed as, ‘She’s one of those girls,’” pag-alala pa niya.
Dahil sa kanyang dinaluhan na pagpupulong sa LA ay natutunan ni Cristine na i-value ang sarili. In the end ay naglakas-loob ito na tanggihan ang proyektong inalok ng kanyang dream director.
“I said no. I did it. But I was so scared. I think I’m just so blessed because the next day, they offered me three projects that are really, really good. What a turn,” pagtatapos niya.
We wish you luck, Cristine! Siguradong susuportahan ka ng mga tagahanga mo – whether you bare some skin or not.