Cristine Reyes, gustung-gusto ang ‘cup cake’ ni Zanjoe!

Nakakatuwa naman ang King Of Talk na si Boy Abunda. Despite of his busy schedule sa as host ng mga programang SNN, The Buzz, The Bottomline, at ‘yong isa pang show sa Cinema One cable channel na tungkol sa filmography ng mga artista, naisisingit pa rin niya ang pag-aaral ng kanyang master’s degree at pagtuturo sa Philippine Women’s University.  Kamakailangan nga, nakatanggap pa siya ng award as one of the ten best teachers ng nabanggit na pamantasan.

“Ni-rate kami. 5 ang perfect. Ako, 4.88,” masayang kuwento sa amin ni Kuya Boy.

“Nakakatuwa lang kasi ang nagri-rate sa ‘yo, mga estud-yante. Hindi ang nag-a-asses sa ‘yo ay ang academic world.”

Ano kaya sa palagay niya ang nagustuhan sa kanya ng mga estudyante?

“Dahil sinisiguro kong may natututunan sila sa akin. Concious na conscious ako riyan. At sa pagtururo ko, naia-apply ko na ito ‘yong academics, ito ‘yong libro, ito ‘yong pinag-aaralan natin, pero ikukuwento ko sa inyo kung ano ang nangyayari.

“Halimbawa ‘yong tanong sa ratings… practioner ako, eh. So, naikukuwento ko kung saan nanggagaling iyon. So napagtatagpo ko ‘yong libro at saka ‘yong practice. May fulfillment talaga akong nararamdaman kapag gano’n.”

Enjoy sa kanyang teaching si Kuya Boy. Ang suweldo raw niya rito, idinu-donate niya sa College of Communication Arts ng PWU. At the end of this trimester, plano raw niyang tumigil muna sandali sa kanyang pagtuturo para makapag-concentrate sa kanyang thesis kaugnay ng kanyang tinatapos na master’s degree.

“Tatlong stages kasi ‘yong sa thesis. Magpu-propose ako sa panel. Hopefully in the next two weeks. After no’n, magsusulat na ako. First three chapters muna ‘yan, eh. Ipi-present mo, gathering of data, tapos conclusion.

“Nahihirapan talaga ako. Hindi dahil sa laman. ‘Yong texto ng thesis kaya ko, eh. It’s the formatting. Ang hirap. Tapos three meetings ‘yan na limang deans ang kaharap mo when you defend it. ‘Yon ang nakaka-ano ng oras ko.

‘Pero pampa-relax ko rin. Siyempre kapag ginagawa ko, nababali ang isip ko. Kaya lang ang mahirap nga ay ‘yong pag-format. Kasi iyon ang academic requirement. Pero kung basta daldal lang at sulat, kaya. I’ve done the first draft. Ngayon ko nararamdaman ang hirap. Pero hopefully by November, I would finish my master’s. At gusto ko munang magpahinga nang konti!” natawang sambit pa ni Kuya Boy.

MUKHANG MALAKI ANG naitulong ng pakikipagtambal niya kay Cristine Reyes kung bakit madaling naka-move on sa break-up nila ni Mariel Rodriguez itong si Zanjoe Marudo. Very close na nga raw ang dalawa ngayon. There are times na nag-aasaran at nagkukulitan pa umano ang dalawa sa set ng pinagtatambalan nilang seryeng Kristine.

Nakagawian na rin daw ni Zanjoe na magbitbit ng kung anu-anong pagkain para sa dalaga kapag may taping sila. Ang pinakamadalas umanong dalhin ni Zanjoe na gustung-gusto ni Cristine – cup cake.

Kung oobserbahan umanong mabuti, parang compatible nga raw sa maraming bagay itong sina Cristine at Zanjoe.  Pareho umanong prangka, parehong makulit at kuwela, parehong mahilig kumain, at parehong professional at focused masyado sa oras ng trabaho.

Ang tawag nga raw ni Cristine ngayon kay Zanjoe – pork chop. Ang explanation nga raw ng aktres, hindi man daw pansinin na ulam ang porkchop pero masarap.

Si Zanjoe naman, ang tawag umano kay Cristine – bangus. Matinik daw sa paningin ng binata ang aktres gaya ng isang bangus. Matinik daw sa boys.

Sa lumalalim na closeness ngayon nina Cristine at Zanjoe, hindi na kami magtataka kung biglang isang araw na lang ay mapabalitang sila na.

Nakatutuwa rin na may sarili na palang hukbo ng mga tagahanga ang dalawa. Nabuo ito sa pamamagitan ng Facebook at maging sa internet site na www.pinoyexchange.com. Ang pangalan ng grupo na ngayon ay mabilis na dumarami ang miyembro – Zantine Nation.

Yes! Kung nagkaroon ng Kimerald sina Kim Chiu at Gerald Anderson, o Alkris sina Aljur Abrenica at Kris Bernal… meron na ring Zantiners na siyang tawag sa mga miyembro nga ng nabuong fans club nina Zanjoe at Cristine.

At hindi lang pala nationwide ang fans club na ito kundi global. Meron silang mga kaalyansang grupo ng mga Pinoy fans din nina Cristine at Zanjoe sa Canada, U.S., India, Singapore, at iba pang mga bansa.

Sa mga gusto raw mag-member ng Zantine Nation, mag-log-on lang daw kayo sa www.pinoyexchange.com. Magkakaroon din daw sila ng isang malaki at engrandeng get together party this October 23 kasama ang iniidolo at sinusuportahan nilang sina Cristine at Zanjoe. At ang venue kung saan will be announced daw soon.

Bongga!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleMark Herras, may webcam scandal!?
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #174: October 8-10, 2010

No posts to display