OKAY LANG kay Cristine Reyes na hindi siya ang first choice to play Mara sa pelikulang ‘Untrue‘ na may kakaibang tema ng “love story” na may kasamang bugbugan at sakitan.
Originally, dapat ay para kay Claudine Barretto ang role pero hindi isyu sa aktres na pamalit lang siya ni Claudine sa role dahil maganda ang istorya ng pelikula.
“Okay lang naman sa akin,” sabi niya sa media conference ng pelikula recently. “I accepted the project kasi maganda. This is the kind of project na matagal ko nang hinihintay, matagal ko nang gustong gawin, and so I really thank God na sa akin napunta ang ‘Untrue’ kahit hindi ako ang first choice,” paliwanag ng aktres.
Huling napanood si Cristine sa action film na ‘Maria” na hindi mo ie-expect na sa tulad niya na girl na girl ay kakayanin niya.
Balita nga na may part two ang movie na humatak sa ibang bansa sa positive reviews ng mga manonood. Sa katunayan, nang ipalabas sa QCinema ang pelikula ay malaki ang chance niya na magka-award sa kategoryang Best Actress.
Sa bago niyang pelikula katambal niya si Xian Lim na first time din niya nakasama.
Sa kuwento ni Cristine na malaki ng paghahanda nila ni Xi (palayaw ni Xian) sa pelikula. Almost 10 days din sila dumaan sa workshops bilang naghanda sila ni Xian bago sila nag-shooting sa Tbilisi, Georgia (na dating bahagi ng USSR).
Role ni Xian ay mga OFW na nagkakilala umibig at nagmahal na nauwi ang pagsasama nila sa violence. The movie of Direk Sigrid Andrea Bernardo is a psychological thriller na sa huli ay may kakaibang twist ang pelikula.
Three weeks din sila nag-shooting sa sobrang lamig na klema ng Georgia na ayon sa kuwento ng aktres, hirap din siya sa sitwasyon nila during shooting dahil sa temperatura.
Ayon sa kuwento ng aktres, hirap siya gawin ang pelikula. ”Mahirap umarte kapag giniginaw ka. Si Direk is very energetic, a real perfectionist. So pagdating namin sa Georgia, we already know what to do,” kuwento niya.
Sa February 19 na ang showing ng Untrue na unang ipinalabas muna sa iba’t ibang film festivals sa ibang bansa na nakakuha ng magagandang reviews.