HINDI ini-expect ni Cristine Reyes na tatagal siya sa showbiz industry ng 20 taon. Sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa Viva Artists Agency nitong Biyernes ng hapon, Feb. 10, 2022, ay emosyunal niyang ibinahagi ang ang saya na nararamdaman niya na umabot siya ng 20 taon sa industriya.
Ani Cristine, “Nagpapasalamat ako. I have been here in the industry for twenty years and with Viva for fifteen years, so hindi ko ito ine-expect. I am very grateful, medyo teary-eyed ako.
“Hindi ko ine-expect na tatagal ako nang ganun sa industriya. Noong nagsisimula pa lang ako, batang-bata pa akong masyado, hindi ko iniisip. Nakaka-overwhelm kapag sinasabi na twenty years, fifteen years with Viva. Nakaka-overwhelm.”
Aminado si AA (palayaw ni Cristine) na naging pasaway siya noon at talagang natakot na hindi na makabalik sa showbiz pagkatapos unahin ang kanyang lovelife at ipanganak si Amara. Hindi raw siya iniwanan ng Viva nung mga panahong yon kaya labis niya itong ipinagapasalamat.
“I was contemplating back in the day when I wanted to wish to have my own family, settle and live a peaceful life and I thought, I would succeed but you know, I failed.
“Nevertheless, I prayed talaga. Kaya pa ba? Kasi usually maraming mga bago na pumapasok. Marami na rin ang magagaling that’s why I’m really thankful kasi kung ano ang meron ako ngayon, pinapahalagahan ko siya talaga kasi ayoko nang mawala,” pag-alala ng aktres.
“Actually, lahat naman ng mga tao sa paligid ko, lagi naman nila akong nire-remind, especially Ate VR [Veronique del Rosario-Corpus, her manager], to take things seriously and all that,” saad niya.
Ano nga ba ang naging turning point sa buhay niya para seryosohin ang pag-aartista?
“Siguro, yung turning point in my life was when I hit rock bottom and…. Nawala ang lahat sa akin. Ang hirap noon.
“Nasaktan talaga ako noon that’s why I’m very thankful that I am here with Viva kasi they trusted me all the way until after everything so yung trust na yon, ayokong biguin,” pahayag ni Cristine.
Isa rin daw ang anak niyang si Amara sa dahilan para ayusin ang mga desisyon niya sa buhay.
“Malaking factor si Amarah sa mga life decision ko and I think she straightened up my life. Siya yung fortress ko. Siya talaga yung kapag ano na ako, kapag lost na ako, I would go back and just… tinitingnan ko lang siya, napakainosente.
“I wanna give her everything that I didn’t have. I am happy that I have a child napakabait, napakatalino,” pagmamalaki pa niya.