ISANG very unforgettable experience para kay Cristine Reyes ang naganap na encounter daw niya sa Diyos nung panahong meron siyang matinding karamdaman. Ayon sa aktres na bida sa Pinoy adaptation ng Korean series na Encounter ang encounter daw niya with the Lord ang naging dahilan para makaligtas siya sa tiyak na kamatayan.
Nangyari daw ito habang nilalagare niya noon ang teleseryeng Reputasyon sa ABS-CBN at ang pelikulang The Other Woman ng Star Cinema at Viva Films.
“Naalala ko year 2010, 2009, I had a project with Jeffrey Jeturian called Reputasyon in ABS-CBN. And then I was also doing The Other Woman for Star Cinema and Viva. And then obviously everyday ako nagwo-work nu’n. Na-overfatigue na ako, low immune system. Tinamaan ako ng virus called Meningitis,” simulang kwento ni Cristine) sa face-to-face presscon ng Encounter na ginanap sa Boteyju (Estancia, Capitol Common) nitong Miyerkules, July 7, 2021.
Meningitis is an inflammation (swelling) of the protective membranes covering the brain and spinal cord. A bacterial or viral infection of the fluid surrounding the brain and spinal cord usually causes the swelling.
“Nagkombulsyon ako habang nagte-taping. They rushed me to the hospital. I stayed in the hospital for almost a month.
“So I was thinking… they couldn’t find out what’s going on with me. So they had to get like a water thing sa spine ko to examine the water in my brain. Then yon nga, they found out Meningitis and it’s deadly,” pagbabalik-tanawa pa ni AA (palayaw ni Cristine).
Pagtatapat pa ng aktres, habang nasa ospital daw siya ay wala siyang ginawa kundi ang manalangin sa Diyos.
“So, parang ako nag-pray na ako kay God no’n. Sabi ko, ‘I can’t die. I wanna live.’ Kasi sa hospital di ba sa bed mo yung wall laging may crucifix? Merong crucifix doon.
“I remember… parang I think I was fighting for my life, ‘I can’t die.’ Even though I was super weak… super weak,” lahad pa ng aktres na bida sa Pinoy adaptation ng hit Korean series na Encounter na napapanood sa TV5 at mapapanood na rin sa Vivamax sa July 23.
“And then, I guess after a week of fighting for my life, lumakas ako bigla. Tapos ayon, parang ang sabi lang ng mga doctors kasi it’s really your body that will fight for itself, eh, sa mga virus na yan. So, I guess God gave me strength to fight because I asked for it and I didn’t wanna give up,” dagdag na pahayag ni Cristine.
Isa pang hindi makakalimutang pangyayari sa buhay ni Cristine ay nung isilang niya ang anak na si Amara Khatibi.
“Yung moment na Amarah came out in this world and she held on the scissor of our doctor tightly, ‘Wow she’s born.’ Yon ang most unforgettable moment sa akin,” sabi pa niya.
Kaya naman pinipilit daw niya ngayon na maging role model sa kanyang anak at iniiwasang gawin ang mga bagay na ginagawa niya dati tulad ng matagal na panonood ng TV.
Samantala, ang Encounter ng Viva Entertainment ay tungkol sa May-December love affair na ginampanan nina Song Hye-kyo at Park Bo-gum. Sa Pinoy version nito ay si Diego Loyzaga na 7 taon ang age gap kay Cristine ang magkatambal.