ISANG nakakagulat na rebelasyon ang ibinahagi ni Cristine Reyes kamakailan sa ‘Eight Billion Podcast’ ni Liza Florida. Ibinahagi ng aktres na noong bata siya ay nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa kanyang biological mother.
Lumaki si Cristine (Ara Cristine Klenk in real life) sa isang adoptive family. Sa early childhood niya ay nakaranas siya ng pagmamahal sa mga pansamantalang umampon sa kanya.
Nang siya ay tumuntong ng six years old, nalaman niya na hindi siya tunay na anak ng mga kinalakihan niyang magulang. Isang araw, sinundo siya ng kanyang biological mother at doon na nagbago ang kanyang buhay.
Nakatira si Cristine in a ‘big house’, pero nakaramdam niya na siya ay unwelcome, unwanted, and unloved.
Pagbabahagi ni Cristine, “Ever since I moved to my biological mom, I felt that I didn’t have a voice. So as much as possible, I don’t really talk,”
“I remember whenever there’s a problem, I would constantly hear words, ‘You know, you should have died. You never should have been born, I tried so many times to abort you,’” masakit na pag-aalala niya.
Dahil sa emotional abuse na kanyang naranasan mula sa kanyang biological mother, nakaapekto ito sa paghulma ng kanyang personalidad. Umabot pa sa punto na kung minsan daw ay nireresent niya ang mga nanay ng mga kaklase niya pag nakikita niya kung gaano ito ka-hands on sa mga anak nito, bagay na hindi niya naranasan sa poder ng kanyang ina.
Hanggang sa sumabak na nga sa showbiz si Cristine bilang parte ng first batch ng Starstruck. Akala raw niya normal ang pagsasabi ng “bad things to other people.” Nakakaramdam din ito ng pagkukulang kahit pa umariba ang kanyang showbiz career.
Tinapos ng aktres ang kanyang interview on a hopeful note. Bilang isang single mother kay Amarah, gusto niya na ma- “cut the curse” of “spreading bitterness, darkness, hatefulness in the world.”
Pag-amin pa niya,“It’s gonna be hard because I’m already old. They say you can’t teach old dogs new tricks. But I think if there’s a will, there’s a way,” aniya.
Panoorin ang buong interview. May Cristine Reyes fully heal from her childhood trauma.