Cristine Reyes, itinanggi ang paratang ni Ara Mina

NOONG BIYERNES, October 26, sa Ang Latest: Uplate ng TV5, iniulat dito na nagkaayos na nga ang dalawang Kapamilya stars na sina Cristine Reyes at Sarah Geronimo. Na-interview ng show ang dalawa last October 25 sa birthday ng Viva Big Boss na si Vic del Rosario at selebrasyon na rin ng 33rd anniversary ng Viva Entertainment.

Ayon pa kay Sarah, okay na nga sila ni Cristine at sincere daw siya sa panibagong yugto ng kani-lang friendship.

Kuwento ni Sarah, “Siyempre masarap din, nagkikita kami, okay pagkikita namin. Ako naman, I’ve alaways been sincere sa pakikitungo ko kay Cristine, ‘yung friendship na gusto kong ibigay sa kanya.”

Ayon naman kay Cristine, matapos daw ‘yung isyu noon ay naging okay naman na daw ang kani-lang pagkakaibigan. Kuwento nito, “Oo naman ever since naman after the you know (issue) ok na kami.”

Nilinaw rin ni Cristine na walang katotohanan diumano ‘yung away nilang magkakapatid tungkol daw sa pera. Aniya, “Parang wala namang ganu’n, wala naman po. Kahit anong mangyari, kapatid is kapatid”

Wish na lang daw ni Cristine ngayon na tuluyan nang maayos ang alitan nila ng kanyang Ate Ara Mina.

Lahad niya, “Well kung p’wede lang sana, basta ako anytime ready ako, kahit ano gagawin ko maging ok lang kami. If given a chance sana, but I think she’s not yet ready.”

FINALLY, SASABAK na talaga sa pulitika si Direk Joel Lamangan. Umugong na dati ang kanyang pangalan na susulong na siya sa public service nang sumali siya sa isang local party sa Cavite pero hindi ito natuloy.

Ngayon, tuloy na tuloy na ang kanyang pagpapailanlang sa pulitika. Tatakbo siya bilang kinatawan sa unang distrito ng Cavite.

Sa ulat ng InterAksyon, ang news portal ng TV5, last October 24, naniniwala raw si Direk Joel na mas maraming natatanggap na kritisismo ang mga showbiz personality na pumapasok sa pulitika kaysa mga ordinaryong politician.  Ayon pa sa award-winning director, “Hindi ko alam kung bakit ina-underline ‘yung artista na may bad record sa government. Marami ring may bad record sa governmet na hindi artista, lalung-lalo na ‘yung mga abogado! Lalung-lalo na mga doktor. O kung ano man na propesyon ay nakakagawa rin nang hindi maganda.”

Naniniwala naman daw si Direk na may mga actor-pulitiko na nakagawa nang mabuti sa kanilang mga constituents pero ang mga iilang nakagawa ng masama ang siyang mas natutuunan ng pansin.

Tubong-Cavite City si Lamangan, at ang makakalaban niya for congressman sa first district ay si Francis Gerald Abaya, miyembro ng isang makapangyarihang angkan na namuno na sa lugar sa loob ng halos dalawang dekada.

Dagdag pa ni Direk, “Twenty years na nandiyan ang pamilya nila, wala pa ring pagbabago. Wala kasing programang pang-ekonomiya. Mga tao nagugutom, walang hanapbuhay. Bumabaha na du’n. Kaliwa’t kanan ang korapsyon. Wala pang nagbabago. ‘Yun ang mga bagay na ‘di ko p’wedeng talikuran kaya nga ako tatakbo.”

Kinumpirma rin ni Direk na personal siyang tinawagan ng kanyang makakalaban. Lahad niya, “Wala. Tinanong niya ako. Sinabi ko, oo, tatakbo ako. Sabi niya good luck. Sinabi ko rin, good luck!”

Inamin ni Direk na ang kanyang kaibigan, kasamahan sa insdutriya at kapareho ring  Caviteño na si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., ang nagkumbinsi sa kanyang pumasok sa pulitika.

Sa huli, ito lang ang masasabi ni Dire Joel, “Kung manalo ako, well, good. Kung matalo naman ako, well, at least I tried.”

Sa kasalukuyan, busy si Direk sa Enchanted Garden ng TV5, kung saan isa siya sa mga director at sa nalalapit na stage play na Ang Sayaw ng mga SENIORita.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleNadine Samonte, may manliligaw na laman-lupa!
Next articlePiolo Pascual, ayaw nang karelasyon ang taga-showbiz

No posts to display