ANG ANGAS ng itsura ni Cristine Reyes sa bagong pelikula ng Viva Films na Maria. The film is under the direction of Pedring A. Lopez (Direk Pedring).
Ang pelikula ay tungkol sa dating assassin na si Lily. Matapos niyang suwayin ang utos ng kanyang organisasyon, pineke niya ang kanyang kamatayan. Nagtago siya sa malayong probinsiya kung saan siya nagbagong-buhay sa pangalang Maria.
Nagulo ang tahimik na buhay ni Maria nang matunton siya ng mga tauhan ng Black Rose, ang dati niyang organisasyon. Nang mabigo siyang protektahan ang kanyang pamilya sa dati niyang kasamahan, mapipilitan si Maria na bumalik sa marahas na buhay upang makapaghiganti.
Ayon kay Cristine, dumaan siya sa matinding training para sa kanyang role sa Maria. Sa kanyang Instagram story, pinakita niya ang mga pasa sa braso at binti na nakuha niya sa isang fight scene. Gayunpaman, walang anumang reklamo ang aktres.
Puring-puri din siya ni Direk Pedring: “Cristine handles the fights with almost 90% of all her stunts without doubles,” post niya sa Twitter.
Ang Maria ang magsisilbing big screen comeback ni Cristine after Abay Babes. Sa isang panayam, sinabi niyang ito ang most challenging thing na ginawa niya sa kanyang karera.
“I guess they figured it would speak to me on many levels – as an actress, as a mother in real life, and as a martial arts enthusiast. And they were correct. I loved the script when I read it,” pagbabahagi pa niya.
Kasama rin sa Maria sina Ivan Padilla, KC Montero, Guji Lorenzana, Jennifer Lee, Andrea del Rosario, Cindy Miranda, Freddie Webb at Ronnie Lazaro.
Palabas na ang pelikula sa Marso 27.
La Boka
by Leo Bukas