When asked to make a choice between love and career ay mas pinili ni Cristine Reyes ang pag-ibig.
“Kung wala kang love paano ka mai-inspire to work for your career, ‘di ba?” say niya sa presscon for Tubig At Langis na pinagbibidahan nila nina Isabelle Daza and Zanjoe Marudo.
“Well, for me, ako nagsasalita para sa sarili ko. I guess, napagsasabay ko naman ang love at ang career ko. ‘Yun talaga, mangingibabaw ang love, kasi ‘yun ang nagpu-push sa akin to be inspired, alam mo ‘yon? Parang iyon ang fuel ko para mag-run ako sa career ko. I guess lahat ng tao ‘pag walang love, walang life,” paliwanag pa niya.
Palaban si Cristine Reyes at gagawin niya ang lahat para lang lumigaya. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba basta’t in love siya. Kahit na nga sa sarili niyang mga magulang ay kaya niyang ipaglaban ang kanyang mahal.
Although may mga pagkakataon naman na pinangangaralan siya ng parents niya when it comes to love ay siya pa rin naman ang nasusunod.
“Sa akin, hindi naman nawawala ‘yung pagsasabihan ka pero hahayaan pa rin naman ako kung ano ang gagawin ko,” say niya.
Bilang si Irene, isang dalagang nabuntis at umibig muli sa character ni Zanjoe (Natoy), naniniwala si Cristine na natututunan ang pag-ibig.
“Yeah, of course. Based kay Irene, natutunan kong mahalin si Natoy sa likod ng katotohanan na may una na akong minahal at nagkaroon ako ng anak. Nagawa ko na kalimutan din ‘yon dahil sa bagong guy na dumating sa buhay ko na si Natoy,” say niya.
Ito ang pang-apat na pagkakataon na nakatrabaho niya si Zanjoe. Nagkatrabaho na sila sa Kristine series, sa Viva movie na Bromance, at sa ABS-CBN gag show na Banana Split.
“Parang for me, mas naging comfortable ako ngayon kay Z, kasi before medyo nao-awkward ako kapag kasama ko siya. Hindi lang ako friendly, hindi ko siya kinakausap. Hindi rin siya nag-e-effort na kausapin ako. Pareho kaming tahimik, so parang in this project ay nagkaroon kami ng rapport.
“Before, ‘di ba, ‘pag nagkita kami sa labas ay nagha-hangout lang kami. Tahimik lang siya, so hindi kami nagkaroon ng chance na mag-usap,” chika niya.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas