CRISTINE REYES IS now moving on matapos ang kanyang mga pinagdaanan kasama ang pamilya habang humahagupit si bagyong Ondoy. Pinapatunayan lamang ng tattoo on her left hand which means “God is with Me” na hindi sila pinabayaan ng Diyos during those trying times.
Cristine will never forget the 12-hour ordeal while on the rooftop of their house in Provident Village, Marikina City. She tearfully appealed for rescue teams to help them because the flood continued to rise. Ipinagdasal daw niya noon na, “sana ma-save and ma- rescue kami.”
Parang eksena mula sa isang teleserye o pelikula ang mga sumunod na pangyayari – but this time totohanan na. Her Patient X leading man Richard Gutierrez rescued her using a speedboat he borrowed from his friend. Richard was like a knight in shining armor who saved his damsel in distress. Pero binibigyan ng ibang kulay ang ginawang pagtulong ni Richard kay Cristine. Promo lang daw ito para sa kanilang pelikula.
“Kahit sino pwedeng mag-rescue sa akin that time. Nagkataon lang na si Richard ang naglakas-loob na pumunta doon. Hindi biro ang pinagdaanan niya. Huwag po natin siyang i-judge sa ginawa niya.”
Cristine admitted that Richard is one of the closest people to her right now kaya hindi nakapagtataka na ito ang number one para sa kanya bilang hottest male celebrity. Richard is followed by Jericho Rosales, Dennis Trillo, John Lloyd Cruz and Willie Revillame.
She was recently nominated for the Best Actress category in the 2009 Seoul International Drama Awards in South Korea for her teleserye Eva Fonda which won a special award. Pero kung papipiliin siya between the sexiest box-office star o sexiest best actress, mas pipiliin raw niya ang huli.
Hindi lingid sa publiko ang parang aso’t pusa na away-bati nina Cristine at Ara Mina. Nakatutuwa si Cristine when she talks about her Ate Ara. Sobra raw nitong matulungin pero tsismosa.
“Ang dami niyang tsismis! Huwag kang magagalit ha!”sabi pa niya.
Pero sa kabila ng kanilang paminsan-minsang tampuhan ay hindi mababago ang katotohanan na magkapatid sila.
The bud was immediately cut before it started to bloom. Ganito ang kuwento ng budding romance nina Cristine at ng kanyang first love who is a student leader from Ateneo. Nilinaw ni Cristine na hindi raw sila naging mag-on but they went out together.
Career muna raw siya before love. “Sa ngayon, nag-iisip muna ako bago ko gawin. ‘Yung love nakasisira ng ulo. ‘Di muna.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda