Manghang-mangha raw ang maraming banyaga sa ating mga Pinoy na kung paano nating nati-take ang nagdaang kalamidad nang nakangiti o nakatawa pa rin. Likas na yata sa atin ang ganitong panangga, dumaan man ang pinakamatinding unos sa ating buhay.
Tulad na lang ng birong nagawan pa ng mga henyo sa katatawanan na sina Vic Sotto at Joey de Leon. Tungkol ito sa sinapit ni Cristine Reyes, na alam nating lahat ay gising sa bangungot ng bagyong Ondoy.
Ayon kasi sa sexy actress, bagama’t bibisitahin lang daw niya ang napinsalang bahay sa Provident village sa Marikina City ay hindi ‘yon nangangahulugang maninirahan pa siya roon. Sobrang na-traumatize daw kasi si Cristine, and if I may describe it, sa kanyang bonggang-bonggang bubong experience.
Anything associated with roofs ay ayaw nang hayaan ni Cristine na sumagi sa kanyang diwa.
‘Biro ng dalawang Eat…Bulaga! hosts, paano raw ‘yan? Leading lady pa man din daw ni Bossing Vic si Cristine Reyes sa ilalahok nilang entry sa darating na Metro Manila Film Festival na Ang Darling Kong Aswang? At aber, ano naman kasi ang kunek ng aswang sa sinapit ni Cristine?
Sey ni Tito Joey: “Si Cristine kasi ‘yung aswang sa movie, eh, saan ba madalas na matagpuan ang aswang bago mambiktima, ’di ba sa bubong?”
Sayang, Raymart Santiago missed it by a hairline. Ang tinutukoy ko’y ang naunsiyaming pagbebenta sana nila ng mag-asawang Claudine Barretto ng kanilang Loyola Grand Villas residence malapit sa Marikina River even before the onslaught of Ondoy.
Ewan kung gut feel o premonition na matatawag ang naramdaman ni Raymart na ipursige ang pagdidispatsa ng naturang tahanan in anticipation na may mapaminsala ngang bagyong babayo sa bansa. Pero gaya nga ng alam ng lahat, ang market value ng mga ari-arian sa nasabing lugar has dropped in one fell swoop.
Balita ring kahit palugi ay ibinebenta na rin ng ilang nating mga kababayan ang kanilang mga property sa mga apektadong lugar. Paniwala nila, safety has no price.
A total of P250,000 in weekly winnings na ang naiuwi ng itinanghal na Hall of Famer na biritera sa Talentadong Pinoy nitong Sabado, tama na, that’s already a quarter of a million bucks na may mararating na rin kahit paano, ‘no!
Entonces, turn naman ngayon upang mag-shine nang bonggang-bongga ang mga nagbabalik na contestants sa kani-kanilang areas of expertise in this top-rating Ryan Agoncillo-hosted program on TV 5.
Ang mga nagsipaglaban ay ang Makhai (acapella groupo), Little Beyonce (sing and dance), Ivan Lunaria (marionette), Strongman (extreme act), Little Sized Pavarotti (opera), IPM Dance Group (hatawan) at Ladder Balancer (circus).
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III