Cristine Reyes, mukhang sa mall lang ang punta nang dumalo sa b-day party ni Raffy Tulfo!

UMANI PALA NG left and right na batikos si Cristine Reyes from the respected teachers and some officials from the government na mga guests ng hard-hitting broadcast journalist na si Raffy Tulfo sa kanyang birthday celebration na ginanap sa EDSA Shangrila Hotel.

And why?

Hindi raw kasi naiwasan na i-compare si Cristine sa mga dumating na iba pang mga stars na pormal at pinaghandaan ang okasyon sa pamamagitan ng kanilang outfit.

Remember, sa isang five star hotel ginawa ang party which follows na kung invited guest ka, e, kailangan mong magsuot ng semi formal attire kundi man sobrang pormal bilang respeto sa birthday celebrant at ganu’n din sa mga guests na talagang pinaghandaan ang okasyon.

Pero si Cristine, sabi nga ng isang waiter sa Garden Ballroom, e, para lang daw pupunta sa mall ang sexy star dahil sa kanyang outfit.

For the record, naka-dark maong pants si Cristine na may sira-sirang style na tinernuhan niya ng isang blouse na parang T-shirt lang ang dating.

Unlike other stars, sexy and elegant ang kanilang mga outfit kaya naman napa-oooh at napa-aaaahh ang mga guests na expected na rin dahil nga mga stars sila na ginagawang modelo ng mga tao.

Special mentioned nga si Alessandra de Rossi sa okasyon na ‘yon dahil bukod sa napakaganda ng sexy dress na suot, e, napaka-polite pa sa lahat ng present nu’ng gabing ‘yon kaya umani ito ng malakas na palakpakan after her number.

Si Cristine? Bukod sa nagmamadaling umalis, e, nakalimutan pa ‘yata niyang bumati ng ‘happy birthday’ sa celebrator.

Bread-tripping? ‘Yon nga siguro ang ginawa ni Cristine…he-he-he!

TRUE BA ITONG nabalitaan namin na hindi pa natatapos ang pag-shake ng TV5 sa channel 2 and 7 sa pamamagitan ng pagkuha at pag-offer ng malaking talent fee sa kanilang mga big stars dahil pati ang mga sikat na Koreanovelas ay binibili na rin ng Manny Pangilinan group kung saan interesado rin sana ang two leading networks?

From the grapevine, we heard na ang Koreanovela na High Kick ay binibili rin daw sana ng GMA-7 group.

Sobrang sikat daw kasi sa Korea ang bida na si Jeong Il-woo at feeling daw ng GMA-7 group ay mai-in love nang husto ang mga Pinoy sa Koreanong bagets na ito.

Ewan lang namin kung anong magic ang ginawa ng TV5 group at sila ang nakakuha sa franchise ng naturang Koreanovela kasama pa ang My Wife is a Superwoman, Smile Honey at First Wives Club.

Very ambitious ang particular project na ito ng TV5 dahil mukhang gusto nilang baguhin ang viewing habit ng mga Pinoy tuwing tanghali.

Dubbed as Gusto Ko Noon, puro Koreaovelas daw ang kanilang ipalalabas everyday magmula 11:45AM hanggang 1:45PM simula sa March 22.

Sa morning talkshows at game shows sa tanghali nasanay ang mga Pinoy and with this bold move, let’s wait and see kung tatanggapin ng mga Pinoy ang mga bagong hinain ng TV5.

PAKI NG MGA kapatid sa panulat kasama na po kami. Bukas na po ang Moviewriters Got Talent concert na gaganapin sa Zirkoh Tomas Morato, Kyusi.

Ang mga entertainment writers po ang bida sa concert na ito na mapapatagisan ng talento sa pagsayaw, pagkanta at pag-impersonate. May number din po ang mga manunulat dedicated to the Apo Hiking Society.

Kasama naman po namin sina Benjie Felipe at Bernie Villaflor na kakanta ng mga original songs about environment, ‘di ba?

Siyempre, sasamahan din kami ng mga friendship na mga taartits like Kirby de Jesus, Faith Cuneta, Marco Morales, Katrina Halili and many more.

P500 and P1K lang po ang tickets kaya kitakits!!!

For reactions, please e-mail [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleHulicam: Frontman ng Calla Lily, bagong jowa ni Rachelle Ann Go?
Next articlePhoto Oops: Lloydie, malilikot ang mga mata!

No posts to display