Ganun naman yata ang mga babae na kapag nagma-mature na, lalo na’t may mga anak na sila, iba na ang mga prayoridad nila.
Sa kaso ni Cristine Reyes, tila isa siya sa mga mabibilang na mga babae na mula nang mag-asawa at nagkaroon na sila ng anak ng mister ni Ali Khatibi na si Baby Amarah; iba na ang prayoridad niya.
Kung dati-rati’y si AA (palayaw ni Cristine Reyes) ay mapagpatol sa intriga, this time iba na ang prayoridad niya. Palaging nasa top most priority niya ang anak nila ni Ali. In short, deadma sa mga saysay na ipinupukol sa kanya.
Kaya nga nang biruin siya kung magkaroon kaya siya ng karanasan tulad sa maka-encounter siya ng “tambal”, isang elemento (mga lamang-lupa) tulad sa karakter niya sa bagong Pinoy horror movie na “Elemento” ay ano ang magiging reaksyon niya?
Say ng sexy na si Cristine, baka mataranta siya. “Ilalaban ko ang anak ko. Hindi ko sila ipapagpalit ni Ali,” sabi nito.
Based ang kuwento ng pelikula sa karanasan din ni Direk Mark Meily na may ganun ding real life experience sa karakter na ginagampanan ni Cristine, na ang anak ni Direk na noong 3 years old ito ay nakatuwaan ng ganung mga elemento noong nag-aaral ito sa isang pre-school sa New Manila, Quezon City.
Noong una ay ayaw pang maniwala ni Direk Mark na may ganung bagay na nag-e-exist sa kasalukuyang mundo natin na hindi natin nakikita.
Sa Wednesday na ang “Elemento”, na ako personally na mahilig sa mga pelikulang katatakutan, hindi ko palalampasin ang obra ni Direk Mark para sa Viva Films.
Reyted K
By RK VillaCorta