KUNG ANG ILAN sa mga big stars ng ABS-CBN ay ‘no holds barred’ na sa paghayag ng kanilang tunay na saloobin sa kinakasangkutang issue ng Kapamilya Network na umaabot na sa punto na nababash na sila ng mga tao, iba naman ang pamamaraan ng Kapamilya actress and Viva Artists Agency talent na si Cristine Reyes.
Sa kanyang Facebook and Instagram posts ay kalmado ang pamamaraan niya ng pakikiisa sa laban ng kapwa niya Kapamilya na naging tahanan niya in the past twelve years (copied as is):
“16 na taon nang ako’y nagsimula sa aking karera. Ang bilis lumipas ng panahon. Minsan nasa taas. Minsan nasa ilalim. May kanya-kanya tayong oras. Walang permanente sa mundo. Lahat sa takdang oras may pagbabago na kahit sino sa atin ay hindi mapipigilan. May mga pangyayari sa buhay natin na planado at meron din naman na hindi planado. Lahat tayo may kanya kanyang pag-subok sa buhay. Tatag ng damdamin at taimtim na tiwala sa itaas. Lahat ng bagay ay lilipas, sa takdang panahon.
Maraming salamat ABSCBN sa 12 taon na tiwala.
Kapuso, Kapatid, Kapamilya.
Lahat tayo ay iisang bayan“
Dahil sa ‘calmer’ approach ng kanyang mensahe ay pinuri ito ng ilang netizens. May mga nagsasabi pa nga na hindi ganito ang inaasahan nila sa isang Cristine Reyes, na nakilala in her earlier days in showbiz bilang ‘prangka’ at ‘bratinella’.
“Best message so far from an artist of ABS-CBN. It invites sympathy not hatred. … God Bless You Cristine!” comment ng isang fan.
“Awww.. she truly gave the wisdom. No negativity just accepting the fact that nothing is permanent and thankful for she once given a chance to be part of it. You’re my love. So humble!” pagpuri naman ng isa.
“Napakakalmado! Nasasaktan pero may respeto pa rin sa kapwa. God Bless you, isa ka sa mga role model na dapat tularan at di naggagayak ng kaguluhan. Mabuhay po kayo may Puso kang Pinoy!”
Huling napanood si Cristine Reyes sa high-rating morning series na ‘Nang Ngumiti ang Langit’ kung saan gumanap siya ng kontrabida role. Bago naman nagkaroon ng ABS-CBN temporary shutdown ay ipinapalabas sa Primetime Bida ang ‘Tubig at Langis’, ang kabitserye na pinagbidahan nila nina Zanjoe Marudo at Isabelle Daza. Hanggang ngayon ay may cult following pa rin ang nasabing programa at marami ang nabitin sa istorya dahil magkakabistuhan na ‘ata dapat.
Sa big screen ay huli naman napanood si Cristine Reyes with Xian Lim sa ‘UnTrue’. Sa katunayan, marami na ang nag-aabang kung ipapalabas na ba ito sa Netflix dahil isa ito sa mga pelikulang naapektuhan ang theatrical run dahil sa Covid-19.