TWENTY FOUR years old na si Cristine Reyes sa darating na February 5 at excited siya rito dahil bonding with family and friends daw ang kanilang drama. Say niya, “Kasama ko buong family ko, ang mga friends ko, sa Boracay.”
Ano naman kaya ang wish niya para sa kanyang kaarawan? “Birthday wish ko ,sana mapanindigan ko ‘tong desisyon ko sa sarili ko na mag-focus muna sa mga dapat pagtuunan ng pansin.”
Pero nang mapadako na ang usapan namin sa Ate Ara niya, medyo seryoso na ang mga sagot ni AA. Kuwento niya, “Well, siyempre ‘pag ako ang tatanungin n’yo, mas gusto kong magkaayos kami. Kasi anuman ang mangyari, kahit hindi man kami ganu’n ka-close ni Ate, magkadugo pa rin kami.”
Gagawa pa ba siya nang paraan na magkaayos na sila totally? Nauna na kasing nagpahayag ng sorry si Cristine noon sa Ate Ara niya, pero humantong pa rin sa demandahan ang kanilang hindi pagkakaintindihan.
Pero sa ngayon, parang napapagod na raw siyang gumawa ng mga hakbang upang maging okay sila. Saad nito, “Matagal na akong nag-i-insist na magkabati kami na pumunta ako sa house niya. Pero kung sa mga nangyayari sa ngayon na every move I make, masama, ‘di ako mag-move masama pa rin ako. So, hindi ako makagagalaw. Sana hindi siya mag-i-expect ng anyhting from me, kasi lahat na lang ginagawa ko, parang pinapa-dyaryo, parang nire-report, tapos sasabihin nila na hindi daw sa kanila galing ‘yun. So, parang ako, anong gagawin ko?”
So inaantay na lang niya na tadhana na lang ang gumawa ng paraan para magkaayos sila? Atubili niyang tugon, “Well, hindi ko alam, eh. ‘Yung parang hindi ko rin talaga matantiya, hindi ko matantiya.”
Sa ngayon daw, wala na raw sa puso niya ang hinanakit, wala na raw siyang galit dahil ayaw raw niyang magkakaroon ng dinadala sa kanyang dibdib. Pahayag niya, “Ako as much as possible, mas gusto ko na wala nang dala-dalang bagahe, kaya hindi na lang tayo dapat magsalita at sana matapos na din ito.”
NALOKA KAMI kay Ejay Falcon nang makakuwentuhan namin ito recently dahil ‘gay benefactor’ agad ang kanyang nilinaw. Parang ito raw kasi ang laging tanong sa kanya.
“Sa lahat ng mga artistang lalaki, hindi naman nawawala ‘yan eh, kung hindi ka bading ikaw nambabading, ‘di ba?”
Hindi na raw siya napipikon sa mga ganitong klaseng tanong dahil, “Hindi na ako naiirita, lahat kasi nakikita ko na dati pa, naririnig ko na ang mga artista pa noong araw, ganu’n na ‘yung mga binabato sa kanila. Kaya sa akin, wala naman silang mapapatunayan, kung may alam silang gay benefactor eh, ‘di iharap nila sa akin. Wala naman, ‘di ba?”
Happy raw siya ngayon dahil malapit na silang mag-taping para sa pinakabago niyang serye sa ABS-CBN. “May bago akong teleserye sa ABS-CBN. Leading lady ko? May dalawang bago na introducing dito sa teleseryeng ito, ayaw pa nilang sabihin kung sino. Remake siya ng dating pelikula ng Viva noong 80’s, starring Senator Bong Revilla.”
Ang tinutukoy ni Ejay na Viva produced movie na ire-remake nila ay ang Dugong Buhay noong 1983. Last year pa ito nakaplano para sa kanya pero ngayon pa lang daw maisasakatuparan.
Kaya naman daw todo-training siya ngayon dahil maraming action scenes daw siyang gagawin. Pati ang kanyang buhok na kulot at mahaba ay talagang sinadya niya dahil y’un daw ang requirements para sa kanyang role.
Say niya, “Kasi ‘yung bagong teleserye, gusto nila ganito talaga ‘yung buhok ko.”
Tungkol sa lovelife, ito ang sagot ng tubong Mindoro, “Ay, wala… wala. Eh, wala, eh.”
Mapili ba siya pagdating sa babae? Pag-amin niya, “Dapat naman sigurong maging mapili, pero wala pa akong mapili, eh.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato