Naglabas ng ng press statement ang production team ng “Tubig at Langis” kahapon, March 8, sa pamamagitan ng ABS-CBN Corporate Communications para linawin ang isyu sa pagitan nina Cristine Reyes at Vivian Velez.
Saad ng pahayag: “Nang magsimula ang produksyon ng “Tubig at Langis” noong Oktubre 2015 hanggang sa umere ito noong nakaraang buwan ay naging maayos ang lahat sa set ng programa. Maayos na nagtatrabaho ang bawat isa, mula sa cast, crew, at staff, kaya naman maganda ang kinalalabasan ng bawat episode.
“Noong nakaraang linggo lamang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa taping ng serye sa pagitan ng lead star nito na si Cristine Reyes at veteran actress na Vivian Velez. Narinig na ng karamihan ang panig ni Vivian ngunit may isang punto lang na may kaugnayan sa nangyari sa dressing room ang nais linawin ng programa.
“Hindi totoong pinaalis ni Cristine si Vivian sa dressing room. Nagkaroon lamang ng miscommunication at inaako ng production team ang responsibilidad dito. Sa katunayan, walang problema ang staff sa work ethics ni Cristine at maayos itong nakikisama sa lahat ng katrabaho niya. Humingi na kami ng paumanhin kina Cristine at Vivian kaugnay nito.
“Ikinalulungkot namin ang pangyayaring ito sa masayang pamilya na nabuo namin sa “Tubig at Langis.” Naipaliwanag na namin ang aming panig sa dalawang aktres at umaasa kaming matapos na ang isyu sa maayos at magandang paraan.
“Sa kabila nito, makakaasa pa rin ang aming manonood na patuloy kaming magsisikap para magbigay ng makabuluhan at napapanahong kwento sa aming programang “Tubig at Langis”.”
Nag-post naman si Cristine kahapon din, March 8, sa kanyang social media accounts ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng taong naniniwala at sumusuporta sa kanya: “I’d like to thank my co-star, director and our staff, specifically @TartCarlos, @DionneMonsanto, @RaymsOcampo, Boss Tet our Executive Producer, Boss Mamu our Production Manager and our Business unit Head Dir. Ruel S. Bayani for standing by the truth and guiding me to be the better person in the midst of this trying situation.
“Thank you for checking up on me and for all the encouraging words Zanjoe, Belle, Nadia and Yanna.
“Thank you Viva Management specially my handler Barbie. My manager and second mom Veronique Del Rosario-Corpus and Dir. Jon Corpus. You guys are truly family.
“And lastly to my family. Ali thank you for being my pilar. As a new family, we are immediately faced by something you are not used to. But you are always by my side. Thank you. Truly, it is during these times that the people who truly care for you stay by your side. Thank you Ate Ara and to my family.
I will no longer be shaken by negativity. I know that as long as the people I love know the truth, that is all that matters. It is at these moments that I am called be a better person, not just for myself but for my daughter.”
By Parazzi Boy