NAGING PRANKA sa pagsagot sina Andi Eigenmenn, Cristine Reyes, Alice Dixson, Direk Andoy Ranay at ang creative producer na si Wenn Deramas sa presscon ng kanilang pelikulang When Love Is Gone. Based on Director Danny Zialcita’s Filipino film classic Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi. This film marks the 32nd year celebration ng Viva Films.
Palibhasa first serious film ito ni Direk Andoy kaya’t may kaba factor itong nararamdaman. “Ganito pala ang pakiramdam para akong manganganak. Araw-araw nagdarasal ako, nakaka-tense talaga kahit ipalalabas pa lang ang pelikula namin. Every step of the way, nagpapasalamat ako sa buong cast na napaka-supportive nila. Wala akong naging problema, magaan naming natapos ang pelikula. Masarap tapusin ang nasimulan mo.”
Ang tanong, if ever ma-encounter nina Alice, Andi, Cristine, at Direk Andoy ang kabit ng kanilang asawa or girlfriend/ boyfriend ng dyowa nila. Ano kaya ang puwede nilang gawin?
Say ni Alice, “Siguro kung bata pa ako, baka hindi ko ma-control ang sarili ko, may magawa ako… Now, I just walk away na lang.”
Dugtong naman ni Andi, “Hindi ako bababa sa level niya, deadma na lang.”
Ayon naman kay Cristine, “Hindi kasi ako confrontational, walang lang. Hahayaan ko lang sila.”
Ibang eksena ang gagawin ni Direk Andoy, “Sasapukin ko silang pareho, hihiwalayan ko na kahit matagal na kami, pagtataksil ‘yun.”
Palibhasa love triangle ang tema ng istorya kaya love relationship ang naging sentro ng usapan. Through experience, kailan kaya nila masasabing when love is gone?
“‘Yung really true love, hindi na mawawala ‘yun. Hindi ko na iniisp ‘yun,” turan ni Alice. “Hindi mawawala ‘yung love kahit sa kaibigan. Mapagmahal ako tao, ang passion mawawala pero ‘yung love nasa puso mo pa rin ‘yun.”
Para kay Andi,” Kapag totoong mahal mo, hindi mawawala ‘yun.”
Respeto ang pinakamahalags para kay Direk Andoy, “Kapag nawala ‘yung respeto mo sa kanya, mawawala ‘yung love. You don’t care with the person anymore.”
Mainit ding pinag-usapan ang siyam na beses na love scene nina Gabby at Cristine sa pelikula. Kinausap agad ni Direk Andoy si Gabo para makapaghanda ito sa maiinit nilang lovemaking ng sexy star. Kinundisyon muna ng actor ang kanyang katawan, exercise at diet para magmukhang macho guwapito ito on screen sa love scene nila ni Cristine. “Nahirapan ako sa first love scene nina Cristine at Gabby. Sobrang intense, todo siya, kasi nga nandu’n ‘yung lust nila sa isa’t isa hanggang naging passionate na ‘yung love scene nilang dalawa. Walang kiyeme si Cristine, bigay-todo. Ako pa nga ang nahihiya, ginagawa niya ‘yung gusto kong mangyari sa lovemaking nila ni Gabby,” excited na kuwento ni Direk Andoy.
Hubo’t hubad nga sina Cristine at Gabo sa maiinit nilang eksena. Tipong pareho yata nilang i-enjoy habang nagtatalik in front of the camera. Sabi nga ni Direk, “Sino ba namang babae ang tatangging maka-bed scene nila ang isang Gabby Concepcion. Hanggang ngayon ay delicious pa rin sa paningin ng mga kababaihan.”
“Inggit ako kay Sharon Cuneta, labi lang ni Gab, ulam na,” pabirong sabi ng box-office director Wenn.
“Ito na ang pinaka-daring, sexy film ni Cristine Reyes. Ganu’n karami ang love scene ng dalawa dahil kailangan sa istorya. Hindi namin ginawa ito para kumita ang pelikula. May bed scene rin si Jake Cuenca with Cristine,” paliwanag ni Direk Andoy.
Magkakaroon ng international screening ang When Love is Gone starting December 6, 2013. Theater line-up: Los Angeles, Cerritos Stadium 10, West Covina Stadium 18, Orange Stadium Promenade 25,Century River Park 16, San Francisco, Tanforan 20, Milpitas Great Mall 20, Union City 25, Elk Grove Laguna 16, Rosevelle 14, Hilltop Ricmond 16, Century Vallejo 14. San Diego, UA Horton Plaza 14, Las Vegas, Village Square Stadium 18, Virginia, Military Circle 18, Texas, Tinsel Town 29, Legacy 24, Arizona, Ciemark Mesa 16, Nevada, Century Park Lane 16, Wahington, Parkway Plaza Stadium 12, Hawaii, Dole Nannery Stadium 18.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield