NEGANG-NEGA NGA-YON ang image ni Cristine Reyes kaya siguro naisip ng ABS-CBN management na tsugihin na ang beauty niya sa soap na pagsasamahan sana nila ni Gerald Anderson.
We were informed that Cristine will no longer be part of Gerald’s forthcoming soap na malapit nang magsimulang mag-taping. Hahanap na lang daw ang Dos ng bagong makakapareha ni Gerald.
Siguro ay natakot ang mga taga-Dos sa banta ng mga fans na hindi nila susuportahan ang soap kung naroroon si Cristine.
FOR CESAR Montano, it’s payback time.
We’re talking about his decision to appear gratis et amore in his director-friend RD Alba’s indie film, Biktima.
“Gusto kong tulungan unang-una ang aking kaibigang si Direk RD Alba and I saw na may ta-lento itong filmmaker na ito. Ayaw kong pahirapin ang buhay sa kanya kaya sabi ko, ‘sige gawin natin ‘yan kahit walang bayad gawin natin ‘yan. Kapag kumita ay saka mo na lang ako bayaran’,” sabi ni Cesar.
Si RD ang assistant director ni Cesar sa Panaghoy sa Suba.
“He’s always there kaya wala akong rason para hindi siya tulungan. Magaling siya, parang hindi siya bagito,” dagdag pa niya.
The movie tells of a journalist (Angel Aquino) who was believed to have died in an ambush in a rebel-infested island. Cesar’s character then meets a former friend of his wife (Mercedes Cabral) and together they develop a relationship. Only to discover later that Angel’s alive but lost her memory.
The conflict begins when Angel slowly regain memories and saw the threats of Mercedes’ presence in their family.
Cesar was asked kung patterned after Ces Drilon’s real-life kidnapping ang premise ng movie.
“Hindi!” was Cesar’s reply. “Meron siyang tangible evidence, electronic evidence na una siya. I saw it talaga bago pumutok ‘yung kay Ces. Meron siyang tangible evidence na magpapatotoong nauna siya,” Cesar explained.
ANOTHER TSUGIHAN issue involves Eugene Domingo who was reportedly booted out of the cast of Temptation of Wife na ire-remake ng GMA-7.
Eugene was going to play sana the role of Madel Jung but then GMA people reportedly decided that she be replaced with Candy Pangilinan.
Kung totoo ito, it appears therefore na mas pinaboran ng GMA-7 itong si Candy.
Sa aming paniwala naman, mas bagay itong si Candy for the role bukod pa sa mas madali niyang iangkop ang sarili niya sa character ni Madel Jung.
Actually, maraming napalitan sa cast ng Filipino adaptation ng Korean soap na ito. Originally ay sina Alessandra de Rossi at Carla Abellana ang gaganap na Chantal Min and Heidi Shin, respectively pero napalitan sila nina Michelle Madrigal and Glaiza De Castro.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas