MAY TAPATAN na magaganap ngayong March 27. Hindi lang isa kundi dalawang Filipino films ang ipapalabas sa mga sinehan: ang Eerie from Star Cinema at Maria mula sa Viva Films.
Parehong mga babae ang bida sa dalawang mainstream films na ito. Ang Eerie ay matagal nang pinag-uusapan. Maliban sa bida rito ang isa sa bosses ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio (na unang nakilala bilang magaling na movie aktres) at Kapamilya movie queen na si Bea Alonzo, mataas din ang expectations ng mga tao sa direktor nito na si Mikhail Red. Ang pelikula niyang ‘Birdshot’ kasi ang kauna-unahang Pinoy film na napasali sa Netflix at nanalo rin ito ng samu’t saring awards here and abroad. Busy rin ito sa dalawang pelikula na dark din ang tema: ang Dead Kids at Block Z.
Mataas ang expectations sa Eerie dahil sabay sa Philippine premiere nito ang paglabas din sa ibang Asian countries. Ito bale ay ‘make or break’ in terms of longevity ng distribution ng Star Cinema films sa ibang bansa. Hindi rin box-office hit ang huling pelikula ni Bea kaya may pressure rin dito na kumita ng husto ang ‘Eerie’.
On the other hand, Cristine Reyes is fierce and powerful sa trailer ng kanyang first action film na ‘Maria‘. Last year nag-umpisa na mauso na babae ang bida sa maaksyong pelikula tulad ng ‘Buy Bust’ ni Anne Curtis’ at ‘We Will Not Die Tonight’ ni Erich Gonzales. Ayon sa mga nakanood na in advance, mas malupit ang performance ni Cristine at talagang makapigil-hininga ang action sequences nito.
Parehong nasa Kapamilya network ang dalawang bida at ang wish namin ay kumita ng bongga ang mga pelikula nila para naman maging inspirasyon ito sa mga Pinoy filmmakers na ipagpatuloy ang paggawa at pagproduce ng mga obra. Tangkilikin natin!