Cristy Fermin, babawiin na ang trono bilang ‘Queen of Talk’!

SINADYA KONG DUMALAW nang maaga sa unang gabi ng lamay ng butihing ina ng kaibigang Cristy Fermin, si Nanay Silang (Lucila, 98), sa Funeraria Nacional nitong Lunes. Pinaghalong kawalan ng tulog at pagkamugto ng mga mata ang hitsura ni Cristy nang madatnan ko sa chapel sa ikatlong palapag. Pero naroon na sa kanyang puso ang pagpapaubaya sa Poong Maykapal ng pagpanaw ni Nanay Silang.

“Kilala mo naman ako, Ron, kung paanong ipinagpatayo ko ng bantayog ang nanay ko, na kahit sa kanyang mga huling sandali ay ayoko siyang isuko. Pero sabi ng mga kapatid ko (Cristy is the youngest), hayaan ko na raw si Nanay. Nagdasal ako, sinabi ko sa Panginoon na sige, pumapayag na ‘ko. Makaraan ang dalawang minuto, lumisan na si Nanay,” kuwento ni Cristy of her mom, a former public school teacher na noong 1930 ay kabilang sa National Softball Team.

“Gusto na raw kasi niyang umuwi,” said Cristy of Nanay Silang, then confined at the St. Luke’s Medical Center, pero hindi raw pala sa kanilang tahanan, “kundi umuwi sa Diyos”.

At the wake, I had a huddle with one of Cristy’s first cousins, si Belle, na nakatrabaho ko na rin sa Mariposa Publications noon. Posible rin daw na kampante nang namaalam ang kanyang tiyahin (Nanay Silang) dahil muli nang magbabalik-telebisyon si Cristy via TV5’s Paparazzi. To me, it’s about time Cristy reclaimed her throne bilang female counterpart ni Boy Abunda sa larangan ng showbiz talk show hosting.

I will not apologize to Kris Aquino kung hindi man siya, para sa akin, ang Queen of Talk… she’s simply talkative, period!

THANKS TO PROF. Ronald Holmes, president of Pulse Asia, who’s quick to debunk rumors na batay sa February 15 survey nito ay naungusan na raw si Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor ng kanyang katunggali by 6.1%.

Sorry, but the figures making it appear that Mike ranks second among the mayor-wannabes are false!

‘Eto na lang din ang tinatawag na People’s Feedback Survey kung saan may 3,500 respondents ang hiningan ng face-to-face interviews as commissioned by the Morato Business Club in Quezon City. Sa kanilang whole January survey, Mike was leading by 7 points in the Top Mind Preference against his rival.

Pero sey ni Mike, “Aminado rin naman ako na may dalawang distrito sa QC na hindi ako ang lamang,” referring to Districts 2 and 4 na kung susumahin ay tatlong porsiyento lang ang inilamang ng kanyang kalaban!

Three percent? Very, very marginal kung ikukumpara sa ikinaungos naman ni Mike sa District 1 by 16% at sa District 3 na 15%, aba, it’s not even one-tenth of Mike’s opponent’s ratings!

About a week or so ago, nakatanggap ako ng pagbatikos through a text message kay Mike for circulating misinformation tungkol sa Pulse Asia ratings kung saan lamang na lamang siya. The anonymous texter blatantly called Mike “sinungaling” at “ulol.”

The figures will speak for themselves.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleDerek Ramsay, sinasadyang pagselosin si Angelica Panganiban?!
Next articleDalawang aktor, madalas inuumaga ‘pag nagba-bonding

No posts to display