ADMITTEDLY, ANG aming regular na pagtutok sa early at late evening news has reduced our addiction to TV, unmindful of other existing programs gaano man sila kaganda.
Ang nabagong viewing habits namin ang dahilan kung bakit we were the last to know na hindi na pala umeere ang talk show ng kaibigan at nanay-nanayan naming si Cristy Fermin sa TV5 until she told us through text.
Visually ay napapanood pa rin naman si Cris sa kanyang panghapong radio program which she generously shares airtime with colleague Richard Pinlac, as radio has evolved into an audio-visual medium.
But let’s face it, seeing Cristy take the helm of a live TV showbiz talk show spells the difference. Siya nga ‘yung tipo ng ‘ika nga’y namamalakaya sa laot ng tsismis who can manage to paddle all by herself nang hindi na kailangan ng co-host.
Armed with unflawed pananagalog like a true-blue Nueva Ecijana, ang kanya pang ‘di matatawarang kredibilidad at probing stance sa kanyang kinakapanayam—pasintabi sa kanyang mga nakasama noon—makes her an iconic hosting figure.
Paging TV5 and its production division, ang presensiya ni Cristy sa mga talk show stirs the competitive spirit among the disciples of no-nonsense showbiz tsismis, kaya sana’y muli siyang mapanood ng kanyang mga tagasubaybay.
Samantala, muling nabuhay ang tandem nina Cristy at Butch Francisco sa now-defunct Showbiz Lingo ng ABS-CBN during the early 90s as they were the ones who came to our rescue in one of our most difficult times.
To Butch and Cristy, ang aming taus-pusong pasasalamat.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III