OLA CHIKKA! HINDI ko na talaga maintindihan kung ano ang tumatakbo dito sa utak ni Cristy Fermin na halos karamihan ng mga intriga sa showbiz ay kaakibat ang pangalan niya. Gimik lang ba niya itong mga kumento niyang kadalasan ay kakaiba sa nakararami? At kung sinu-sino raw ang matalik niyang kaibigan sa industriya makalipas lamang ang sandaling panahon ay mortal na niyang kaaway.
Tulad na lamang nitong kay Willie Revillame na kung dati ay sukdulan ang paninira niya ngunit ngayon ay kung kampihan niya ay ganu’n-ganu’n na lang.
Halos lahat ng kumentarista ay against kay Willie sa paghamon sa management ng ABS-CBN, isa naman siya sa mga iilang kumampi sa host ng Wowowee. Ano ba naman ‘yung kitang-kita na ang pagkakamali ng host, pinagtatakpan mo pa?
Kunsabagay, wala namang pinagkakalayo ‘yang ugali n’yo ng anak-anakan mo. Siguro nga, namana pa niya sa iyo iyang paghamon niya sa ABS-CBN upang tanggalin itong si Jobert Sucaldito.
Kung puri-purihin mo ang mga artista riyan sa mga column mo sa dyaryo, siguro hindi mo nahaharbatan itong mga nilalagay mo sa blind items mo at isa na nga rito si Imelda Papin. Ikaw na nga ang minsang nagsabi na bago maglabas ng isyu, kailangang pag-aralan nang mabuti. Ngunit bakit ngayon ay mukhang ikaw itong hindi nagre-research?
Para sa kaalaman mo ay hindi na kailangan pang magbayad ni Imelda Papin ng mga fans sa mall dahil sa ibang bansa pa lang ay sikat na sikat na siya. Kaya hindi mo ba naiisip na bakit pa ba niyang kailangan magbayad kung ang mga tagahanga niya ay hindi na magkandarapa sa ibang bansa?
When money talks nga naman, everybody listens! Ano kaya ang masasabi ni Mommy Dionisia?
‘Di ba idol niya si Imelda.
At talaga nga bang ikaw ang reyna ng intriga? Excuse me pow!
Para sa akin ay ikaw ang reyna ng nega dahil puro kapalpakan ‘yang mga pinagsusulat mo. Kaya hindi kataka-takang halos bawat buwan ay iba-iba ang nakakaaway mo at mga demanda mo. Hindi naman siguro masama itong pinagsasasabi ko dahil 40 years na akong nasa industriya, kahit isa wala pang kasong naisasampa laban sa akin. Hindi ko siya inaaway o sinisiraan, sadyang nagsasabi lamang ako ng katotohan at napupuna sa mga inaasal niyang hindi tama.
AT DAHIL NAPAG-UUSAPAN na rin naman ang pagkakaibigan ay nakatanggap ako mula sa aking kaibigan sa DZRH na si Andy Verde ng isang e-mail tungkol sa nakasabayan namin nitong si Imelda Papin.
Ikinatutuwa kong ibalita na itong si Fred Arsua ay kasalukuyan ngayong naninirahan sa Estados Unidos at doon gumagawa ng pangalan sa pamamagitan ng pag-awit sa iba’t ibang club at pagsasagawa ng maraming concerts sa iba’t ibang bansa kasama ang may malalaking pangalan sa larangan ng pag-awit. Siya ay nakikilala sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagsulat at pagkanta na siya mismo ang lumikha na halos kalahatan ay base sa totoong pangyayari sa buhay ng mga Pilipino.
Si Fred ay dating kampeon sa patimpalak na “Tawag ng Tanghalan” dito sa Pilipinas na katumbas ngayon ng American Idol at isang magaling na songwriter at singer. Kasama sa bagong album ni Arsua na pinamagatang “Mabuti Pa Ang Pera May Tao, ang Tao Walang Pera” ang mga awiting Marami Ka Pang Kakaining Bigas, King Kong, Nawalang Pangarap,
Pag-ibig Sa Kalye, Panindigan, Hey! Hey! Ikaw ang Mahal Ko, Kumulog-Kumidlat, Laging Ikaw Lamang, Kay Rupok Ng Sumpa Mo, Sa Ating Pag-unlad, Ballroom Dancing and of course ang carrier nito na Mabuti Pa Ang Pera May Tao, Ang Tao Walang Pera na ang composer ng mga awiting ito ay mismong si Arsua, itinuturing na international singer at total performer.
Para sa mga interesado ay maaari kayong bumisita sa website na www.musicosoy.com
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong national candidate na matagal nang nachi-chikkang bading?!
Tama! Bading nga raw dahil ayon sa aking super close friend na running for national position din ay nakatakda
na silang ikasal noon ngunit natuklasan nitong friend ko na talagang bading siya.
Siyempre una pa lang ay pinaniniwalaan ko siya dahil talagang kagalang-galang siya at wala sa diskarte niya ang magsinungaling. At lalo pang bumigat ang aking patunay nang makatanggap ako ng text message mula sa isang very reliable source na itong si Gay national candidate ay nang-agaw raw ng boylet ng isang very respectable TV host.
Ay may ganung eksena?! Taray! Ang mas mataray rito ay ang asawa nitong Gay national candidate na hindi ko alam kung may idea siya na itong asawa niya ay kulay berde ang dugo. Ayy! Teka blue pala! Ha-ha!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding