Cristy Fermin, takot mabulgar ang mga lihim!

OLA CHIKKA! NAPAKARAMING intriga ang nagsikalat noong mga nakaraang araw kaya hindi ko naisingit ang karanasan ko nang mag-guest ako sa Kapatid Network.

First week of September ay nakatanggap ako ng tawag mula sa programang Jojo A. All The Way ng TV5 para mag-guest sa kanila and then pumayag ako. So ang naging topic was about kay Cristy Fermin, kung saan lahat ng isyu sa amin ay nilinaw ko.

As in to the highest level ang mga intrigang pinasabog ko na ang dating ng program ay no-holds barred na. Mula sa lahat ng paninira at panunumbat niya kina Pokwang, demanda kay Chokoleit, kaso sa BIR at lahat ng maiinit na intriga na kunwari ay binabalewala niya para hindi lumaki ay naroon lahat.

Maari mo na ngang tawagin ang episode na iyon na “All Out! The Secrets of Cristy Fermin!” Ha-ha-ha!

Natapos na ang taping at sinabi sa akin na ie-air daw iyon last Friday, September 10, 2010. So, ang lola n’yo nag-expect dahil tapos na lahat eh, airing na lang ang kulang. Tapos malaman-laman ko na lang na hindi na pala tuloy.

Bakit? Kasi nakatanggap ako ng text message a day before na sorry raw dahil nasira ‘yung tape. Kahit ipakita pa raw nila sa ‘kin, kaya kung puwede raw ulitin na lang daw namin.

Wow, huh! I wasn’t born yesterday! Kaya alam ko kung ano mga diskarte n’yo. Sa dinami-daming tape na masisira, ‘yung sa akin pa. Eh, ‘yung mga nirekord n’yong iba na kasabayan ko, nai-ere. Samantalang ‘yun sa ‘kin, sira?!

What if si P-Noy ang na-interview n’yo then suddenly masira din ‘yung tape? Could you text him ba na mag-rekord ulit? ‘Di ba, hindi? Hindi n’yo kailangang mag-worry, dahil alam kong kalakal n’yo. At sobrang bait ng mga taga-Jojo A. All The Way, kaya hindi n’yo magagawa sa akin iyan… kung walang mag-uutos!

Malamang lang, huh, itong si Lucy Fermin na naman ang may kinalaman d’yan, dahil ayaw niyang maipalabas sa telebisyon ang kanyang mga lihim na patuloy niyang itinatanggi.

Sa bagay, nasa iisang istasyon lamang sila kaya pangit nga naman kung manggagaling din mismo sa kanila ang mga kasiraan mo. Hmmm… hindi kaya ikaw talaga? Nagtatanong lang naman. Hindi ko naman kailangang mapanood sa television, dahil sa column ko pa lamang rito, marami nang naloloka sa mga balita ko, eh. Paak!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino sila? Mahulaan n’yo kaya itong dalawang radio announcer na ito? Na noon, kung makahingi ng pabor ay akala mo anghel na hindi makabasag-pinggan dahil may kailangan sa iyo, ngunit ngayong wala na silang mapapala sa iyo, kung mag-comment na lang sila tungkol sa iyo ay ganu’n-ganu’n na lang at masyado nang personal.

Noong isang araw kasi, nakikinig ako sa kanilang programa at hinulaan ko ang kanilang blind item, kaya tinext ko sila. Kaya hayun, noong nabanggit ang pangalan ko ay kung anu-ano na ang pinagsasabi tungkol sa akin at take note pa! Sa ere nila pinagsasasabi.

Nagkapangalan lang eh, lumutang na kaagad ang paa mula sa lupa. Wala pang masyadong napatutunayan, pero kung manlait ay higit pa sa perpektong tao. Ako, nagbibigay ako ng comment pero hindi ako namemersonal. Im just being

professional. Wala silang karapatan na tratuhin ako nang ganyan. Dahil sa naabot ko sa ating industriya, wala pa sila sa kalahati.

Sinabi ko sa kanila na kung tinanggap ko ang offer na iyon sa kanilang istasyon, malamang wala sila riyan ngayon. At kung gugustuhin ko, any moment ay maaari kong bawiin ang posisyon na iyan dahil isang tawag ko lang ay ganun kabilis ko iyang makukuha. Pasalamat kayo at hindi ako sanay manakit ng damdamin ng iba dahil kung gawain ko iyon, malamang ang dami nang galit sa akin. Bahala na ang nasa Itaas.

Gusto n’yo ba ng clue? Humahataw rin sa ratings ang istasyon na pinag-eerehan ng kanilang programa at minsan na rin natin silang napanood sa isang talkshow. Ha-ha-ha! ‘Yun na!

Kung hindi n’yo pa rin mahulaan, alamin sa aking programa sa DWSS 1494 kHz, weekdays, 11:30-12 nn, kaya makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV, tuwing linggo, 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleKampo nina JLC at Shaina, ‘di nag-deny sa tsuktsakan
Next articleMarian Rivera, dedma lang kay Bela Padilla!

No posts to display