DUWAG ITONG si Georgina Wilson.
After kasi niyang mag-post ng isang mensahe sa kanyang Twitter account ay binura na niya ito kaagad.
Actually, Georgina took a swipe at the followers of a popular actor-politician na nangunguna sa puwestong kanyang tinakbo nitong katatapos na eleksyon.
Hindi yata ma-take ni Georgina ang pending victory ng actor politician kaya nagpatutsada siya sa kanyang Twitter account.
Nagtapang-tapangan si Georgina at tinawag na idiots ang bumoto sa actor-politician.
After that, may nakapagsabi siguro sa kanya na mali ang kanyang ginagawa kaya naman dali-dali rin niyang binura ng kanyang message.
Nakakatawa itong si Georgina, ‘no? Tapang-tapangan lang pala ang drama niya.
Eh, paano kung meron ding magsabi sa kanya na idiot din ang bumoboto sa mga kamag-anak ng boyfriend niya ngayon? Ano kaya ang mapi-feel niya kung siya naman ang sabihan nang ganoon?
Naku, Georgina, hindi porke’t nakapag-aral ka, hindi porke’t maganda ka ay mayroon ka nang karapatan na laitin ang masang bumoto sa actor-politician.
With what you did ay nagmukha kang CHEAP, WALANG PINAG-ARALAN, BOORISH at WALANG MANNERS.
Teka, ganyan ka ba pinalaki ng iyong ina?
BOTHERED SI Regine Velasquez sa pagkawala ng Party Pilipinas. Marami kasi siyang friends doon na mawawalan ng trabaho.
Why should she be bothered? Ah, kasi parang lumalabas na siya at si Ogie Alcasid ang dahilan kung bakit matsutsugi ang Sunday musical show ng Siyete.
Si Ogie kasi ay lilipat na sa Singko. Si Regine naman ay nagpapagamot ng kanyang acid reflux. Dalawa na lang sa main hosts ang natira, sina Janno Gibbs at Jaya kaya naman napagdesisyonan ng Siyete na tsugiin na lang ang show.
Si Regine mismo ang nag-confirm na tsugi na ang Party Pilipinas. She took to Twitter to announce the bad news.
“Yes we are saying goodbye to another show thank you guys for watching Party P next sunday will be our last,” she tweeted.
Nagpasalamat si ang Songbird sa dalawang team na bumubuo ng show kada Linggo.
“Next sunday will be our last show to team A and B thank you guys God Bless. Thank you so much to teams A and B. thank you to our directors and our staff. Thank you guys sa lahat ng hirap na tiniis nyo para sa show,” she said.
Wala pang statement ang Siyete kung ano ang ipapalit sa Party Pilipinas.
WE GIVE it to ABS-CBN when it comes to hyping their shows.
Napanood namin ang Darna production number nina Shaina Magdayao, Empress Schuck, Kim Chiu, Iya Villania and Cristine Reyes para sa SupahDance segment ng ASAP recently and it was obviously made to beef up interest in the popular superhero.
Easily, si Cristine ang pinakatinilian among the five Kapamilya stars na nagsayaw. Siya lang ang lumipad ala-Darna. If it’s an indication ay baka siya na nga ang gumanap na Darna dahil siya rin ang huling nag-perform among the five girls.
Si Cristine ang pinaka-vocal sa pagsasabing gusto niyang maging Darna. At parang sina-psyche na niya ang kanyang sarili sa role dahil ang hilig niyang mag-post ng picture na parang lumilipad na katulad ni Darna.
Actually, si Cristine lang ang bagay talaga bilang Darna among the five. Si Kim ay masyadong payat. Walang dating si Shaina. Wala namang personality si Iya bilang Darna and si Empress ay parang bata pa to play the role.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas