MAKAHULUGAN ang bagong post ni Sunshine Cruz sa kanyang Facebook account nitong Sunday, October 9, 2022.
Bagama’t wala pa ring naging pag-amin hanggang ngayon mula sa aktres at sa kampo ng boyfriend niyang si Macky Mathay sa totoong estado ng kanilang relasyon ay ikinokonek ng netizens na may kaugnayan ang naturang post ng aktres sa “hiwalayan” nila ni Macky.
“Some people are only meant to stay in your heart not in your life,” simulang bahagi ng post ng aktres.
Pagkatapos ay sinundan pa niya ito ng mensahe tungkol sa pagle-let go.
“People come and go, it may be hard to understand why things happen unexpectedly. For some of us, letting go of someone you loved with all your heart can definitely give us so much pain and sadness but in life, there are some things we cannot control.
“What matters is the lesson we learned, the love that was shared and the wonderful memories that will always be in our hearts. Life goes on.”
Matatandaang naging maugong ang balitang hiwalay na ang magkasintahang pagkatapos i-unfollow ng aktres ang half-brother ni Ara Mina sa kanyang Instagrm account.
Sa isang post noon ni Sunshine sa kanyang Facebook account ay ibinahagi rin ng aktres ang kanya raw mga realization habang nasa lock-in taping ng isang teleserye.
Very recently ay nagdiwang ng kaarawan si Macky pero hindi tulad ng mga past birthdays niyana binabati siya ni Sunshine, ngayon ay simple at solo niya itong ipinagdiwang.