BONGGA ang paandar ng Film Development Council of the Philippines sa pamumuno ng kanilang Chairperson na si Liza Dino last Thursday dahil ipinakilala na ang tatlo sa walong official entries para sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na gaganapin sa September 13 to 19, 2019.
Sa sa unang taon pa lang ng all-Filipino Film Festival, naging maganda at mainit ang pagtanggap ng publiko sa festival.
Sa mga theater lobby, aktibo ang mga interesado manood (mga students at millennials) na nakapila para panoorin ang mga pelikulang ginawa para sa kanila.
Sa media conference na isinagawa, star-studded ang naturang event na dinaluhan ng mga artista ng ini-launch na mga pelikula sa pangunguna nina Christian Bables at Martin del Rosario (minus Paolo Ballesteros at nasa Sagada at nagte-taping para sa Lenten special ng Eat Bulaga) para sa pelikukang The Panti Sisters na mula sa Idea First Company nina Direk Jun Lana at Perci Intalan na magsisimula na mag-shooting sa May.
Imagine, kung naaliw tayo sa pelikulang Die Beautiful (nina Paolo at Christian), at Born Beautiful (ni Martin), ay mas riot sa katatawanan ang Panti Sisters na sila tatlong mga bekis ang mga bida.
Ipinakilala rin sa media ang Cuddle Weather mula kay Direk Rod Mamol na produced ng Poject 8 corner San Joaquin na ang kuwento ay tungkol sa romance ng dalalawang sex workers.
Third ay ang pelikula nina Gabbi Garcia, Khalil Ramos,Tuesday Vargas at ang pop band na Ben & Ben directed by Jade Castro and produced by Globe Studios na ‘LSS’.
The remaining five (5) other finalists will be announced in June. Other film outfits and production interested to be part of the PPP have until May 31, 2019.
Masaya ito. Congratulations Chair Liza and FDCP.
Reyted K
By RK Villacorta