NAPAUNLAKAN TAYONG MA-INTERVIEW ang Production Manager ng TODA MAX comedy sitcom. Siya ay si Cynthia Jordan, nakatapos ng kursong Com Arts sa Unibersidad ng Santo Tomas. Bagama’t may mga nagtatanong sa akin kung bakit pati direktor ng indie film at TV at mga artista at celebrities na halos ‘di na makita sa pelikula ay pinagtitiyagaan kong ma-interview. Ang tugon ko rito ay iisa. Ang kailangan natin sa kanila ay ang tunay na ginagawa nilang arte, at bakit? At dito natin nilalagyan ng drawing at kulay ang kanilang mga ginagawa sa buhay.
Umpisahan na natin ang kuwento ng isang producer. Ma’am, ano po ang naisip ninyong konsepto? Bakit Toda Max? Eh, parang pang-masa talaga? “Ah una po, bago namin naisip ‘yung title, siyempre nag-brainstorming muna kami na kailangan naming i-address ‘yung pangangailangan ng tao ngayon.”
Ayon pa sa kanya, ang konsepto nito ay para tumawa ang tao at ‘di kailangang magmukmok ang tao komo mahirap na kahit may problema ay daanin sa tawa.
“So, noon po kasi bago ako naging production manager, naging executive producer po ako ng Home Along (Da Riles), ng Oki Dok, P’wedeng P’wede.”
At nais niyang ibalik ang katangian at ang respeto na kinamulatan nating mga Pilipino sa pagiging respon-sable at pagmamahal sa pamilya. At choice nga nila itong si Robin. Bagay, sino nga ba naman ang hindi manonood sa mga palabas nitong si Binoe pagdating sa action at komedya? At pumayag din kaagad itong si Robin sa nasabing proyekto.
“At sabi pa nga n’ya, it’s something different for him para mare-invent po n’ya ‘yung sarili n’ya para hindi na lang palaging action at drama. So ngayon, makikita mo naman si Robin na nagko-comedy, konting drama at action.”
At ayon pa sa kanya, nakikita niya si Robin kung papaano paha-lagahan ang mabababa katulad ng mga extra, bit players at maging sa mga staff ng productions. At tinatanong pa kung nagsikain na ang mga ito. Ang hinihingi lang niyang break ay 10 minutes para sa pagdarasal. Sa madaling salita, hindi raw ito maarte katulad ng ilang sikat na demanding. Sa papapa-tuloy niya, sinabi pa niyang mababa lang ang loob nitong si Robin.
Ang mga shows naman na hawak niya: “Ah, ang Goin’ Bulilit, Banana Split, tapos meron pa kaming gagawing serye for teens. Next year pa ipapalabas, pero nagte-taping na kami. Ang una kong trabaho ay rito sa ABS-CBN right after UST, mga 1987. Nag-trainee ako rito. My first work and training was with Palibhasa Lalake. And from that, may Chika Chika Chicks, and then nag-Oki Dok, nag-Home Along, Pwedeng Pwede. Ang Toda Max naman ay lalakeng humor without affecting naman the sensibilities of the female and at the same time magke-cater ka talaga sa Pinoys talaga. And recognize what is Pinoy’s emotions, family, friendship, relationships… ‘yun po.”
I heard na si Angel Locsin, isang mabait at talagang artist din ay makakasama sa show. Wala kaya silang plano o ilalagay na talagang mainstay na kunwari sina Juday o si Angel na? “Angel is guesting po. She guested in three episodes already. Kasi, Angel could be an on and off character. But most of the time we have guest po. It could be a mother, it could be a teacher. Not necessarily the love interest. In this case, para naman maiba, wala siyang permanent loveteam. Ah, si Vhong ang magkakaroon. Ah, kasi it’s parang predictable na Robin would always have a leading lady. So, ngayon iba naman. It’s Vhong who has a leading lady and will have a leading lady. Si Robin is parang single na ready to mingle.”
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
By Maestro Orobia
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia