HINDI MAN SUMIKAT na bituin si Ms. Cynthia Sol sa bakuran ng LVN Studio, kinilala naman ang husay at galing niya sa larangan ng pagsasayaw sa buong Asia. “Wala akong regrets kung tinalikuran ko ang pag-aartista. Naging maganda naman ang katayuan ko sa buhay at marami akong natutulungan,” turan ni Madam. Nakagawa siya ng ilang pelikula kasama sina Dolphy, Chiquito at Nida Blanca. Na-discover sa Clover Theater bago naging artista, hjindi inaasahan, dumating ang biggest break sa buhay niya to perform abroad.
Palibhasa kailangang suportahan ang mga magulang at ka-patid, tinalikuran ni Ms. Cynthia ang pag-aartista at tinanggap ang offer na magtrabaho sa ibang bansa. At the early age, umani ng tagumpay sa iba’t ibang bahagi ng Asia ang tinaguriang “The Dancing Queen”. Nakapagpundar ng sari-ling negosyo rito sa ‘Pinas at Hong Kong.
Sa angking ganda ni Ms. Cynthia, nakapag-asawa ng British national na katuwang niya ngayon, si Geoff Cole, at nagtayo sila ng negosyo sa Balibago, Angeles City – ang Meanwhile Sing-Along Bar. Bilang pasasalamat sa lahat ng blessing na dumating sa kanya. Isang grand celebration ang ini-handog ni Madam Cynthia sa kanyang pamilya, kamag-anak at mga kaibigan sa ika-65 birthday niya last December 20, na ginanap sa nasabing bar.
Isang surprise dance number ang ipinamalas ni Ms. Cynthia Sol sa kanyang mga bisita. Lahat ay namangha sa naiibang performance na ipinakita niya on stage. Agad siyang nilapitan ni Liz Andaya (TV5 talent coordinator/ columnist) para sumali sa Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo. Hindi nagdalawang-isip si Madam Cynthia, tinanggap ang hamon na mag-show sa nasabing talent search. “May halong kaba at excitement ang feeling ko that time bago ako umakyat on stage. Hanggang ngayon, nasa puso’t isipan ko pa rin ang passion ko sa pagsasayaw. Every year, tuwing birthday ko, pala-ging may dance number ako para sa mga mahal ko sa buhay.”
Nang tawagin ni Ryan ang pangalan ni Ms. Cynthia Sol on stage, nagsimula na itong sumayaw. Namangha ang audience sa loob ng studio pati na rin ang mga judges na sina K Brosas, Tuesday Vargas, Cherie Gil at Direk Manny Castañeda sa greatest performance na ipinamalas ni Madam Sol. Nakabibinging palakpakan at standing ovation habang nagpe-perform ang 65 years na lola na wala pa rin kupas sa pagsasayaw.
Pawang papuri ang ibinato ng mga judges kay Madam Cynthia. Say nina Manny at Cherie, “Your such an inspiration sa mga kababaihan natin. At your age, masasabi namin ni Direk, your the dancing diva.”
Dugtong naman ni K Brosas, “Nang makita kita on stage na nagsasayaw, naging alive uli ako, ibang klase ka talaga!” Siyempre, nag-comment din si Tuesday sa performance ni Madam, “Sa totoo lang, ‘yung kasing age niya, pulos ballroom dance lang ang alam nilang sayawin, pero si ‘teh, may pagka-jazz and ballet ang style ng kanyang dance number na bihira mong makita, amazing diva!”
Ang labis pang ikinatuwa ni Ms. Cynthia Sol, among the six contestant na naglaban-laban, tinanghal siyang winner nang gabing ‘yun sa Talentadong Pinoy. “Thanks God for all the blessing na ibinibigay niya sa akin. I just want to dance and enjoy life. Nasa pagsasayaw talaga ang passion ko. Gusto ko lang i-share sa publiko na kahit 65 yerars old na ako, puwede pa rin akong magsayaw gracefully. Exercise na rin at the same time, right food para maging physically fit tayo, ‘yun,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield