Dagdagan Ang Bilang Ng Mga Embassy!

KABILANG PO ako sa mga Pinoy OFW na naaksidente rito sa Ethiopia. Isa po sa amin ang patay at marami ang malubhang nasugatan. Kami po ay direktang na-hire sa pamamagitan ng POEA at ang aming employer ay mismong pamahalaan ng Ethiopia sa pamamagitan ng Department of Education nito. Hanggang ngayon ay wala pa kaming natatanggap na assistance mula sa gobyeno ng Ethiopia at Pilipinas. At patuloy pa kaming hina-harass. Ang pinakamalapit  pong embassy rito ay sa Cairo, Egypt pa. Sino po ang puwede naming takbuhan? Desperado na kami! — Julie mula sa Ethiopia

                         

IPINAABOT NA namin sa OWWA at POEA ang kaso mo. Nakalulungkot ang sitwasyon mo dahil nangyari sa inyo iyan gayong ang nag-recruit sa inyo ay mismong pamahalaan natin at ang employer ninyo ay pamahalaan mismo ng Ethiopia. Ano pa kaya kung kayo ay na-recruit ng mga pribadong ahensya at ang employer ninyo ay pribado ring indibiduwal o kumpanya?

PANAHON NA para dagdagan ang mga embahada at konsulada natin lalo na sa mahihirap na bansa. Kung talagang kapos ang pondo, maaaring isara ang mga konsulada sa mga mararangyang bansa na wala namang masyadong problema ang mga OFW.

LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].  

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleJose Manalo at Wallly Bayola, takot nang mag-concert!
Next articleBoy Shabu

No posts to display