DAHIL BEKI! Mimiyuuuh nakaranas ng pambu-bully mula sa mga homophobic relatives

Leo Bukas

NAKARANAS din ng pambabastos at pambu-bully mula mismo sa kanyang mga kapamilya ang social media influencer at vlogger na si Mimiyuuuh. Ito ay dahil sa kanyang gender – ang pagiging bakla o beki.

Naiintindihan naman daw niya na meron talagang mga ganung tao na homophobic or takot sa bakla, pero hindi niya raw ito pinag-aaksayahan ng panahon.

Mimiyuuuh

“I just don’t deal with them, you know what I’m saying? No deal! Pero siyempre hindi naman po talaga mawawala yung mga homophobic nating tito,” lahad ni Mimiyuuuh sa kanyang vlog.

“And guess what? Ngayon po nag-uunahan na silang magpa-picture sa akin,” dagdag pa ng sikat na internet sensation.

Ikinalungkot niya na bago siya natanggap at nirespeto ng mga homophobic relatives ay kinailangan munang meron siyang mapatunayan.

“Guys, hindi ko yun pinagmamayabang. In fact, sobrang sad. Alam niyo, maraming beses ko na ‘tong sinasabi sa mga vlog na parang you really need to be someone to be appreciated by homophobic people, family members, everyone. And I’m so done with that culture. I am done with you all,” deklara niya.

Nagbigay din ng advice ang sikat na Youtuber sa mga beki na nakararanas ng pambu-bully.

Payo niya, “Let me just say this to you, you don’t need to prove anything to anybody. Do the things that will make you happy as long as wala kang tinatapakang tao and your intentions are good.

“If your family members won’t accept you, there’s a lot more people na makaka-appreciate sa ‘yo. They say blood is thicker than water, but I think the relationship that you build with other people, kahit hindi mo kamag-anak,  I think that’s much thicker.

Mimiyuuuh

Idinagdag din ng vlogger na masuwerte siyang hindi nakaranas ng diskriminasyon mula sa kanyang mga magulang.

“Without judgment, in-accept po talaga nila kung sino talaga ako. No buts, no ifs. Talagang in-accept nila ako.

“Noong nag-full force na po talaga ako sa pananamit, sa aking buhok, sa aking galaw po talaga at pananalita, mas na-feel ko po talaga na tanggap nila ako,”  pagmamalaki ni Mimiyuuuh.

Previous articleKAHIT WALANG WIFI! Piolo Pascual na-enjoy nang husto ang privacy at simpleng buhay sa Batangas
Next articleThings You Didn’t Know About Trending K-Pop Group Brave Girls

No posts to display