LAST MONDAY ay nakabalik na si Cristine Reyes mula sa shooting nila ni Xian Lim ng pelikulang Untrue kung saan almost a month din sila nagstay sa Tbilisi sa bansang Georgia na dating sakop ng USSR para buuhin ang kakaibang kuwentong pag-ibig for movie na produced ng Viva Films.
Ang pulang hair ni Cristine ay hindi pala para sa bagong pelikula niyang aksyon na Maria na yesterday, Wednesday ay nagkaroon ng media conference.
Ang akala nga ng mga media ay isang protesta sa nangyaring hiwalayan nila ng asawa na MMA fighter na si Ali Khatibi kung saan mayroon silang anak na si Amarah.
Ang red hair ni Cristine ay para sa movie nila ni Xian.
Sa pelikulang Maria ni Direk Pedring A. Lopez, isang dating assassin si Cristine na hina-hunting ng kapwa niya tirador (played by Jennifer Lee) dahil umalis ito sa grupo nila na mga sindikato.
“Kasi if you entered the syndicate, habang buhay ka na sa kanila. You can’t leave. Syempre may fear sila na baka ma-expose ng mga dating kasamahan nila na umaalis sa grupo,” kuwento niya. Kumbaga, if you leave, you die. Ganun kasimple ang principle ng mga nasa syndicate na kinabibilangan ni Cristine.
Bilib si Direk Pedring sa aktres dahil almost 90% ng mga action scenes niya ay siya mismo ang gumawa at hindi ito nagpa-double sa mga eksena.
“It’s definetly the most challenging thing I’ve done in my career. I’m proud of it…”
Kilala ang aktres sa mga pelikulang sexy drama at sexy comedy pero this time, for a change sa showbiz career niya when she was offered the role, nagustuhan niya kaagad.
“For a change, iba naman. Nag-training talaga kami ng mga artista na may mga action scenes para makatotohanan.
“Ang peg ko si Angelina Jollie,” na ngingiting sabi niya
Reyted K
By RK Villacorta