Dahil daw sa kasuwapangan ng manager Marian Rivera, nawalan ng multi-million-peso endorsement!

BLIND ITEM: Pinangangamba-hang isa sa mga araw na ito—God forbid—ay may kalalagyan ang isang male TV host. By that, we mean, it’s a choice among the following: a.) dumpsite; b.) morgue; c.) graveyard.

Isang maimpluwensiyang tao u-mano kasi ang binabangga niya nga-yon, reportedly a scion of a high-profile politician na napapabalitang nobyo ngayon ng kanyang ex-girlfriend.

Bagama’t this is just a possible scenario, wala sa imahe ng angkan ng taong ‘yon ang tumumba o ipag-utos ang pagtumba sa host. But with the way the male host has been (mis)behaving these days, siya na mismo ang nagdadala sa kanyang sariling kapahamakan.

As of presstime, wala ngayon sa bansa ang controversial TV personality as he flew somewhere with his baggage but leaving his garbage behind. Hindi kaya ang kanyang biglaang pagpuslit last year was because he, too, feared for his dear life?

KUNG BAKIT at paanong si Anne Curtis na ang endorser last year ng isang malaking business conglomerate, at hindi na si Marian Rivera, ay ang tsikang aming nasagap over the holidays.

A corporate VIP sent an invitation to Marian, kaarawan daw ‘yon ng taong ‘yon na malugod namang pinaunlakan ng aktres. As the excitement was building up at the occasion ay nahilingan daw si Marian na kumanta, which she gamely obliged.

Knowing Marian, ano ba naman ang magpaunlak ng isang awitin kahit hindi naman siya singer, kung mapapasaya naman niya ang marami niyang mga tagahanga sa pagtitipong ‘yon? But of course, the one who was the happiest was the big boss… until he got the biggest surprise of his life the next day.

Isa umanong billing statement mula sa management office ni Popoy Caritativo found its way on the desk of the boss’s executive secretary. Sinisingil umano sila ng P30,000 sa song number ni Marian. Hindi umano ito nagustuhan ng VIP, who immediately ordered all Marian’s billboards situated around a huge establishment be removed in sight. Nadamay raw pati ang billboard ng aktres na nag-eendorso ng isang tatak ng jeans.

Entonces, hindi na raw ini-renew ng kompanyang ‘yon ang kontrata ni Marian which, we believed, could be worth millions. Nang makarating ‘yon umano sa kaalaman ni Popoy, iniligtas niya ang alaga from the wrathful decision owning up to his fault kaya panay hingi raw nito ng sorry.

Pero huli na. Sinibak na si Marian as endorser, causing Popoy’s office—of course—to lose a highly potential deal. Ano nga ba ‘yung kasabihan, Kuya Dan… naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. Baka nga isang kaban pa ang na-lost!

TV5 THREATENS to start 2012 with the biggest and most expensive reality shows to watch out for.

Committed to its thrust in giving the Pinoy audience the best programs it deserves, abangan ang Extreme Makeover:  Home Edition Philippines as it documents the lives of select families in their pursuit of building their ideal dwelling places. The design team is composed of King of Reality TV Paolo Bediones with Tessa Prieto-Valdez and Divine Lee.

Sway your hips as the South American dance-off competition Dancing Nation waltzes its way to the country. Tagisan ng pag-indak ang programang ito na lalahukan ng mga komunidad sa iba’t ibang panig ng bansa, kung saan makakapag-aabot din sila ng tulong sa mapipili nilang beneficiary.

Sharon Cuneta hosts Kanta Pilipinas, ang pinakabago’t pinakabonggang singing competition in search of the next singing phenomenon.

Hindi rin pakaka-bog sina Richard Gomez at Joey de Leon as they take the helm of The Biggest Game Show in Asia. Narito na rin sa TV5 ang The Amazing Race Philippines.

Drama and intrigues marry in Temptation Island: Dare To Win, kung saan based on its film version ay may stranded ding group of men and women on an island.

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleCarla Abellana, ayaw magpakasal dahil sa career!
Next articleHeart Evangelista at Daniel Matsunaga, malabong maghiwalay?

No posts to display