SABI NI Snooky Serna, isang taon na raw siyang nagpa-convert bilang Iglesia Ni Cristo. Gaganap na Ka Cristina si Snooky na asawa ni Ka Erdie Manalo na gagampanan naman ni Albert Martinez sa pelikulang Ang Sugo: The Last Messenger.
Muling nabuhay ang loveteam ng dalawa matapos ang 15 years na pagsasama nila noon sa pelikula. Pero biglang sagot ni Snooky na: “Naku! Ang tanda na namin. Hindi na bagay ang loveteam. But yes, it sound good na we’ll be able to work again. The last time we worked together, hindi ko na matandaan. Siguro 15 years ago na ‘yun.”
Ayon pa kay Snooky, masaya siya at may peace mula nang maging isa siyang Kapatid. Wala rin daw siyang boyfriend o karelasyon ngayon. Kaya naman tinawanan lang niya ang isyung bago niyang dyowa ay isang tomboy.
Kung hindi raw siya nagkakamali ay halos tatlong taon na raw siyang walang boyfriend at ayaw na niyang patulan ang tomboy isyu dahil ‘di raw big deal ‘yun para sa kanya.
Natawa ang ilan press na nakarinig nang sabihin ni Snooky na dahil isa na siyang member ng Iglesia Ni Cristo, sana raw ay isang ministro kung may manliligaw raw sa kanya.
HINDI NAGTAGAL sa presscon ng Ang Sugo: The Last Messenger sina Bong Revilla, Richard Gomez at Albert Martrinez dahil may commitment pa silang pupuntahan. Bago nakaalis ay nakapagbigay rin ng pahayag ang tatlo sa ilang entertainment press na dumalo.
Ayon na rin kina Bong at Goma, ‘di raw nila pinag-usapan kung magkano ang magiging talent fee nila sa epic movie. Kahit walang bayad ay willing ang dalawa dahil isang karangalan daw na mapili silang gaganap bilang si Ka Erano si Goma at Ka Eduardo si Bong.
Nakatsikahan din namin si Gladys Reyes na matagal nang member ng Iglesia ni Cristo at ayon sa actress, gaganap siyang nanay ni Richard Gomez.
“Mother ako ni Richard dito, pero noong bata pa siya. Alam ko kung ano ang iiisipin na naman ninyo. Batang Goma ang anak ko rito,” paliwanag ni Gladys .
Nilinaw naman ng mga taga-Iglesia Ni Cristo na ang pelikulang ito ay hindi para maghikayat na maging member ng kanilang religion. Hindi rin daw ginawa ang pelikulang ito para tuligsain ang ibang relihiyon. Isasalarawan lang daw nila ang tatlong henerasyon ng pagbuo ng Iglesia ni Cristo.
Samantalang hindi naman maiaalis sa isipan ng ilan press na kaya tinanggap nina Bong at Goma ang movie ay para suportahan sila sa darating na election ng Iglesia ni Cristo.
Sabi ni Bong, “Huwag muna na-ting haluan ng pulitika ito. Tinanggap namin ito dahil maganda ang project at malaking karangalan na maging bahagi ka nito.”
HINDI NAMAN itinanggi ni Aljur Abrenica na nilayasan nila ni Kylie Padilla ang katatapos na concert ni Jennifer Lopez sa MOA Arena. Masyado raw kasing malayo ang lugar na kinalalagyan nila kaya halos hindi na raw nila makita nang maayos si JLo.
Kahit na raw tumayo pa sila ay hindi rin daw nila makita nang maganda ang paborito nilang singer kaya minabuti na lang daw ni Kylie na umalis na concert at sila ay nag-dinner na lang kaysa magkandahirap sa panonood nang nakatayo.
At that time pa naman daw ay naka-high heels si Kylie kaya kung tatayo pa raw ito ay lalo lang daw mahihirapan ang actress.
Inamin din ni Aljur na hindi pa rin nagbabago ang maganda nilang relasyon ng dalaga ni Robin Padilla.
Gusto na nga niyang magkasama sila sa isang movie or teleserye. Pero malabo na raw mangyari magmula nang tanggihan ni Kykie ang Pahiram ng Sandali.
Fully-booked na raw kasi ang ser-yeng ipalalabas sa GMA 7. Baka raw sa susunod na taon na ito mabigyan ng project ng Kapuso Network.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo