DAHIL INSPIRATIONAL AT MAY TUSOK SA PUSO: Pelikulang “Mama’s Girl” Graded A ng CEB!

Sylvia Sanchez and Sofia Andres in Mama’s Girl

GUSTO KO i-congratulate si Sylvia Sanchez a.k.a. Mama Mina in Regal Films’  inspirational film na Mama’s Girl na tagos sa puso ang mensaheng gusto itawid ng pelikula na sinulat ni Gina Marissa Tagasa sa direksyon ni Connie Macatuno.

Tamang timpla na hindi man melodrama tulad sa mga kuwento pangtelebisyon ay sapul naman ang unconditional love ng isang ina sa kanyang pinakamamahal na anak ang premise ng pelikula.

Akma ang pelikula sa mga kabataan na hindi naiintindihan ang pagmamahal ng kanilang mga ina sa kanila. Wagi ang pelikulang ito. A film na pangkalahataan.

Kung mahal mo ang mom or my hugot ka sa mother, inay, mama, mommy mo, ito’y para sa iyo.

 Ang Mama’s Girl ay bagong pelikula nina Sylvia Sanchez (as Mama Mina) at Sofia Andres (as Abby) together with Diego Loyzaga (as Nico na mahal na mahal si Abby) at si Jameson Blake (as Zak na chickboy) na nanloko kay Abby. Hindi mo masasabi na the usual melodramatic na pelikula na palagian natin napapanood about the relationship of a single mom and her millennial daughter. Iba ang atake ni Direk Connie sa pelikula.

Sa premiere night held last Monday night at the Trinoma Cinema 7 ay positive ang response ng mga nakapanood. Gusto nila ang pelikula. Positibo.

Maging ang dating TV Host na si Butch Francisco ay nagustuhan ang pelikula. “Nakakaiyak. Kailangan mo umiyak pero pigil. Sylvia was good in the film, ” kuwento niya sa amin nang ma-interview namin siya after the premiere showing.

Diego Loyzaga and Sofia Andres

Butch is a friend of Direk Connie during our Cristy Per Minute show noon kung saan may film review segment ang pamosong film reviewer – newspaper columnist noong panahon na yun kung saan isa kami sa stand-upper ng showbiz oriented show matapos ang pananghalian with Cristy Fermin as show host.

Personally, I Iike the film na kukurot sa puso mo na sinulat ni Gina na isa sa mga bigating manunulat ng mga teledramas like Lovingly Yours Helen ni Ate Helen Vela; Coney Reyes on Camera at afternoon serye Valiente and more.

Bukas, Wednesday, January 17 nang simula ng showing ng pelikula mula sa Regal Films,

Kung ako sa iyo, huwag na magdalawang-isip at isama mo si mother or si nanay sa panonood or ang mga anak mo. Promise di ka maghihinayang sa ibabayad mo.
 
Ang pelikula ay Graded A ng Cinema Evaluation Board.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articlePATI ANG ANAK DINADAMAY: Mariel Rodriguez, umalma sa mga bashers ni Robin Padilla!
Next articlePA-WITTY GONE WRONG: Derrick Monasterio, binabatikos sa AIDS joke

No posts to display