BLIND ITEM: NAALIW kami sa kuwentong ito. ‘Yung isang TV commercial ay ang lakas ng dating, dahil sa ginawang “kakaiba” ng young actress doon. Hindi siya nakakasawang panoorin.
Alam naming hindi naman niya linya ang ginawa niya sa naturang commercial, pero ang lakas ng dating. Jackpot siya du’n, in fairness.
Pero ang nakakalokah, ‘yung naturang TVC ay dadalhin sa ibang bansa. Ang kaso, hindi nagustuhan ng kliyente ang boses ng young actress, kaya ipina-dub nila ito sa iba.
Nakarating ito sa kaalaman ng young actress. Imbes na malungkot, natawa pa raw ito, at nakapagdayalog na lang daw ito ng, “Ang mga Pinoy lang talaga ang nakaka-appreciate ng boses ko, hahaha!”
Hindi na kami magbibigay pa ng clue, dahil feeling namin, kilalang-kilala n’yo na kung sino ang aming tinutukoy. We’ll give you more time to guess.
TAMA ANG SINABI sa amin ni John Estrada. Nagsisimula pa lang ang Happy, Yipee, Yehey! ay hinuhusgahan na agad sila ng ibang tao, lalo na siyempre ang kanilang mga detractors.
Nanganganay pa ang mga hosts, kaya bigyan muna sila ng chance. Kung para sa iba’y ibang-iba pa rin ang Willing-Willie, eh natural, dahil ‘andu’n si Willie Revillame at iba naman ang noontime show ng Dos.
Hindi naman dapat ang Willing-Willie o ang Eat Bulaga ang dapat gawing batayan. Mas magandang ang mga papasa sa panlasa ng audience ang i-prioritize kesa ma-conscious sa content ng mga kalabang shows.
Sabi naman ni Direk Willie Cuevas, ang creative ma-nager ng noontime show nina John, Randy Santiago, Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga, atbp, “Ayaw nila ng title, dahil hindi raw matandaan, sabi ng ibang reporter. Nakakatawa sila. Hindi raw matandaan ang title, pero pag binasa mo ang mga column nila eh naisusulat naman nila ng buo ang Happy, Yipee, Yehey! Hahaha!”
KAMI MISMO’Y NA-SHOCK. Kasi, nu’ng Feb. 13, kasama pa namin pareho sina Aiko Melendez at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, tapos, kinabukasan mismo na Araw Ng Mga Puso pa mandin na dapat ay nagse-celebrate sila, noon pa nag-split?
‘Kalokah, di ba?
Kahit mas close kami kay Aiko kesa kay Patrick ay hindi para kami’y kumampi kay Aiko. Ang maaari lang na-ming gawin ngayon for her ay makisimpatya sa kanya.
Una, hindi naman kami magkakasama 24 hours everyday para ma-laman ang puno’t dulo ng kanilang maliligayang araw hanggang sa sila’y maghiwalay.
Pangalawa, mahirap makisawsaw sa isyu ng isang magka-relasyon. Lalo na’t in-enjoy din naman nila ang isa’t isa for 3 years and 3 months.
Pero lagi naming sinasabi kay Aiko na mas magandang nangyari na ‘yan ngayon kesa naman kasal na sila, do’n pa nangyari, di ba? Alam namin, sobrang sakit no’n sa kanila. Lalo na’t feeling ni Aiko ay may third party sa side ni Patrick.
Oh, well, ang mahirap nito. Mag-oopinyon kami, may kakampihan kami, tapos, yun pala, ang ending, magkakabalikan ang dalawa, di ba?
Pero as of presstime, kausap namin si Aiko. Unti-unti ay nakaka-move on na siya. Si Patrick? I’m sure, ‘yun ang madaling naka-move on.
KUNG WALA KAYONG magawa, bonggang basahin n’yo naman ang aking blogs sa http://www.ogiediaz.blogspot.com. Meron kaming blind item doon, hulaan n’yo. At sa twitter, i-follow n’yo lang kami sa @ogiediaz, okay?
Oh My G!
by Ogie Diaz