DAHIL KAY LOVI POE RONALD SINGSON, TUMIRA NG COCAINE!

LITTLE KNOWLEDGE, SO they say, is dangerous. Sa legal aspect ng kasong kinakaharap ngayon ni Ilocos Sur Representative Ronald Singson, we dare not draw even a slight analysis of it, but rather, I will simply offer insights.

Forced to bare all before the judge in the hope of facing a lesser offense, inamin ni Singson na 2004 pa noong magsimula siyang gumamit ng cocaine until July of last year. Off-and-on daw ang paggamit niyang ‘yon. Between 2004 and 2010, I would assume na sakop ng panahong ito kung kailan nagsilbing may-akda si Singson ng isang drugs-related bill sa Lower House.

Severe depression naman daw ang nagtulak sa kanya upang mag-cocaine noong July 11, 2010, whatever was left of the original amount ay siya namang ibinaon niya patungong Hong Kong bilang personal niyang gamit. Itinuro niya ang umano’y pag-aaway nila ng kasintahang si Lovi Poe the night before he flew to HK.

Earlier, walang inamin ni Lovi tungkol sa relasyon nila ni Ronald, yet ganu’n na pala ‘yon kalalim para ang isang simpleng “selosan” (on the part of Lovi sa ex-girlfriend ng nobyo) would lead to “severe depression”?

Hindi naman siguro na-kipag-break nang tuluyan si Lovi kay Ronald, because if it were so, nakailang dalaw pa ang aktres sa nobyo sa Hong Kong. So, could it be na “slight depression” lang ang naramdaman ni Ronald, but for such a minor emotional letdown, sapat na ba ito to do drugs?

Also, back in 2004, at the onset of his cocaine use, tiyak na very promising ang political career ni Ronald in his native Ilocos Sur, na kung anuman ang depresyon na may kaugnayan sa kanyang buhay-pag-ibig ang dumating sa kanya, could not compare to the far more pressing problems he faced in politics.

Lumilitaw kasi na ginagamit ng kongresista ang relasyon nila ni Lovi, o si Lovi mismo, to justify his possession of the said banned substance.

IMBES NA MAGSUOT ng pula, Mother Lily Monteverde opted to wear an all-black ensemble bago salubungin ang Chinese New Year at her Imperial Suites nitong Miyerkules ng gabi. Katwiran niya, “Mataba kasi ako, mukha akong payat in black.”

Kung tutuusin, ang event na ‘yon ay para kay Senator Trillanes, the controversial lawmaker who recently identified at least three former AFP higher-ups na sangkot umano sa malawakang anomalya, one of whom is Ret. Gen. Angelo Reyes. Matatandaang si Reyes ang AFP Chief noong nasa serbisyo pa si Trillanes, who led the so-called Oakwood Mutiny.

Pero kung si Mother Lily, born in the Year of The Rabbit (pero huwag na raw kalkalin kung anong taon) ang tatanungin, in her written speech, “It’s not a time to force issues, but to simply reflect and focus on family and relationships that truly matter.”

Samantala, consensus ng press, malakas ang presence ni Trillanes who came in plaid polo shirt and maong jeans. Tahimik, halatang mahiyain at hindi sanay sa ganu’ng klase ng showbiz event. But the charming senator granted photo ops here and there, daig pa niya ang isang showbiz celebrity swarmed by the press.

AS EXPECTED, TIM Yap was fashionably around at Mother Lily’s event, he arrived in red coat.  Night before that, aligaga ang Tweetbiz at Party Pilipinas host sa pagte-text sa mga kaibigan about the good news na may kinalaman sa kanyang career.

Tim just signed a creative consultancy with GMA Network, Inc. para tulungan itong mag-develop ng mga homegrown artists, host red carpet events and co-produce TV specials pati na rin mga pelikula for GMA Films.

Next week, Tim is scheduled to ink a contract with Viva Entertainment that will be on top of his hosting engagements and commercial endorsements.

MAS UMIINIT ANG mga susunod na episode ng Face To Face, isa na rito ay ang “Si Helen Na Makamandag, Maraming Lalaki ang Nabibitag” tungkol sa kakaibang alindog ng isang babaing pumukaw sa atensyon ng halos lahat ng kalalakihan sa kanilang lugar.

Ang “Ina, Ako ba’y Anak Mo Talaga?” ay tungkol naman sa pagkakatuklas ng tunay na pagkatao ng isang anak sa di inaasahang pagkakataon. Tampok din  ang “Kumpare Kong Playboy, mga Misis ang Pinapatos?!” tungkol sa makasalanang relasyon ng isang lalaki sa mga misis ng kanyang mga kaibigan.

At ang “Ina, Karibal Kita!” na tungkol naman sa pag-aagawan ng mag-ina sa pagmamahal ng isa at natatanging lalaki sa buhay nila.

Tunghayan ang kumpletong istorya ng Face-to-Face as Amy Perez acts as an impartial go-between, Mondays to Fridays, 10:30 a.m. on TV5.


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleETSAPUWERA SA BAGONG NOONTIME SHOW NG DOS POKWANG, KINABOG NI MELAI CANTIVEROS
Next articlePARA ‘WAG MA-DEPRESS KATRINA HALILI, TAMBAKAN NG TRABAHO!

No posts to display