SI KYLINE ALCANTARA ang isa sa rising stars ng GMA-7. Nag-umpisa man ito ng kanyang showbiz career bilang childstar sa ABS-CBN, sa Kapuso Network naman nagningning ang kanyang bituin.
Breakthrough role ni Kyline ang pagganap ng bida-kontrabida role sa ‘Kambal, Karibal’, kung saan nakasama niya sina Miguel Tanfelix, Pauline Mendoza at si Bianca Umali. May mga nagsabi pa nga na mas umangat si Kyline kumpara sa kanyang co-stars dahil na rin sa intensity ng kanyang mga eksena bilang kontrabida at pagiging malumanay kapag siya’y sinapian ng ‘mabait’ na ispiritu.
Idagdag pa na maganda ang boses nito at hindi rin naman nagpapaawat pagdating sa sayawan. Naging all-out din ng kanyang bagong home network sa pagbuild up sa kanya.
Hindi man masyadong na-promote ay nagkaroon din ng launching film si Kyline last year via ‘Black Lipstick’. Nagbida rin ito sa afternoon drama series na ‘Inagaw na Bituin’ with the equally talented Therese Malvar. Suwerte nila dahil ang mga former GMA Soap Opera Queens na sina Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz at Angelu de Leon lang naman ang mga co-stars nila. Kabog!
Bago nag-ECQ ay inumpisahan na rin ang pagpapabalabs ng isa na namang star-studded afternoon drama series na ‘Bilangin ang mga Butin Sa Langit’ kung saan sina Mylene Dizon at ang one only superstar ng Pilipinas na si Nora Aunor ang kasama niya. Whatta star talaga!
In-demand din sa OPM Playlists ngayon ang ‘Isa, Dalawa, Tatlo’ na napakakyut naman talaga ni Kyline sa music video na ‘yun!
Kyline finally turned 18 years old noong September 3. Ibig sabihin nito ay may malaki ang tsansa na makakagawa na ng more matured and challenging roles ang dalaga. Kung noon ay hindi pa ito pinapayagan na gumawa ng risky scenes like kissing scenes etc., mukhang this time ay puwedeng-puwede na!
Nagkaroon ng 18th birthday pictorial si Kyline na napakaganda naman talaga! Ito na rin baa ng simbolo ng pagbabago sa mga roles na tatanggapin ni Kyline? Willing na ba siya to do riskier roles on TV katulad ng ilan sa mga Kapuso leading ladies na sinusundan niya? Abangan na lang natin ‘yan!