DAHIL ‘OVERWEIGHT’: Aga Muhlach, hinintay ang pelikulang ‘Seven Sundays’

Aga Muhlach

ANG TAGAL din hindi nakagawa ng pelikula ang aktor na si Aga Muhlach. ‘Yung pinakahuli ni Aga was a film with Angel Locsin noong 2011. Kaya almost 6 years din pala  noong huli siya napanood ng mga milyun-milyong fans niya sa wide screen.

 
Sa telebisyon kasi, naging hurado siya sa isang pa-contest na palabas ng Kapamilya Network na hindi naman yun talaga ang hinahanap ng publiko sa kanya. Madaming mga offers ang dumating kay Aga pero hindi yun ang gusto niya.
 
Mostly, mga romance film na wika nga niya sa grand presscon ng pelikulang “Seven Sundays” ni Direk Cathy Garcia-Molina, he wants something different. This is the reason kung bakit after the long wait, heto na, sa darating na Wednesday,October 11 ay masisilayan na muli natin si Aga sa family drama film na tatalakay sa relasyon ng magkakapatid (Aga as the eldest; Dingdong Dantes, Cristine Reyes at Enrique Gil) na magsasama-sama para makabawi sa kanilang ama played by Ronaldo Valdez who is dying of cancer.
 
Madaming mga projects na ino-offer kay Aga na halos taon-taon para bumalik siya pag-arte sa pelikula.
 
 Ang main reason niya kung bakit it took six years bago siya nagbalik pelikula ay dahil: “It’s my being overweight,” kuwento niya.
 
Kuwento ng aktor sa media: “I struggled for how many years losing weight dahil nagpahinga talaga ako. Every year na may nag-ooffer sa ‘kin ng love story, parang hindi ko kaya.
 
“Hindi ko kaya na lumabas na leading man na ganito ang itsura ko, dahil hindi ko gagawin yun’ sabi nito.
 
Pero iba ang Seven Sundays. “When the script was offered sa akin, sinabi sa akin na ‘You don’t have to lose weight. You’re okay. But if you want to diet along the way, then go ahead, but the character doesn’t ask for that.
 
Team Seven Sundays: Aga Muhlach, Direk Cathy Garcia Molina, Cristine Reyes, Ronaldo Valdez, Enrique Gil and Dingdong Dantes
 
“Of course, nag-start naman ako mag-dyeta rin, but ako magda-diet ako if I’m pushed against the wall. If you really watch the movie, makikita mo talaga, maputing buhok, malaki ang tiyan. Parang napag-iwanan talaga,” kuwento ng aktor sa mapapanood ng publiko tungkol sa kanya.
 
Sa Seven Sundays, he plays the role of the eldest son Allan Bonifacio na probinsya based na mister naman ni Donita Rose,  kung saan may tatlo silang anak at pang-apat ang ipinagbubuntis pa ng misis niya.
             

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleMarco Gallo and Kisses Delavin: On KissMarcs and Young Love!
Next articleXian Lim at KZ Tandingan, panalo sa mga taga-Japan!

No posts to display