HINDI na napigilan ng Jacqueline Comes Home lead actress na si Donnalyn Bartolome na umalma sa Viva Artists Agency dahil sa pag-upload nito ng ‘Anong Ganap?’ interview nila ng co-star na si Meg Imperial kahit pa sunod-sunod na ang negative comments and backlash sa kanilang dalawa.
Sa nasabing video interview, sinambit ni Donnalyn na maaaring sa pelikula na ibubunyag kung ano nga ba talaga ang sinapit ni Jacqueline Chiong, na hanggang ngayon ay hindi pa nalalaman kung ito’y nabubuhay pa after 21 years.
Sa kanyang Facebook page, Donnalyn revealed na hindi sinabi sa kanila ang ending ng pelikula. Bago raw niya tinanggap ang role ay nagresearch ito at pinanood pa ang documentary na ‘Give Up Tomorrow’ na tungkol sa isa sa mga na-accuse sa kaso na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin sa Spain.
Simula nang i-upload sa social media ang trailer ng pelikula, umani na agad ng batikos sina Donnalyn, Meg at ang direktor na si Ysabelle Peach.
Narito ang pinost ni Donnalyn sa kanyang Facebook page:
Hindi ako reklamador na artista, kasi sino ba naman ako pero Viva Artists Agency pakiklaro po sa mga taong ito kung ano ang totoo. You can all say di ako nagresearch kahit I did but the team led me to believe na may surprise ending NA WALA SA MGA ARTISTA ANG NAKAKAALAM para macurious ang mga tao SAYING kung ano talaga nangyari kay Jacqueline. Naririnig ko pa sa team “you’ll know what happened to Jacqueline” Kahit di ako sure sa kung ano man yun, kesyo buhay or patay yung tao dahil si Mrs. Chiong ang source niyo(about what happened kay Jacqueline) I trusted the team. Akala ko sasabihin na dito ni Mrs. Chiong ano totoong nangyari kay Jacqueline.
Nakakaiyak sa galit. Kaya nga may “I think” ako sa una when I said that. Pero hindi naman yun iiintindihin ng mga tao. I am so tired taking all the blame tapos di niyo pa iningatan inupload niyo pa ito not thinking mamisunderstand ng mga tao. Dapat iningatan kami kung ayaw man sabihin saaming mga artista ang ending. Ngayon yung “I think dito marereveal ang totoong nangyari kay Jacqueline” “I THOUGHT” nalang dahil pati kaming mga artista pinacurious sa ending na yan! Pare pareho lang tayo walang alam kahit nagresearch pa nakakaiyakkkkkkk
Maliban sa kanyang lengthy Facebook post, nag-upload na rin ng 15 minute video si Donnalyn explaining why she accepted the role at samu’t saring concern niya tungkol sa safety sa Pilipinas in general.
Stay strong, Donnalyn.