NAGSIMULA na last Monday night ang bagong aksyon-drama serye ng GMA Kapuso Netwok na Cain at Abel na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at DennisTrillo sa primetime.
Maganda ang feedback ng manonood. Maging ako personally, napauwi ng maaga galing sa pinagmulan ko para lang mapanood ang pilot episode ng serye na ako rin, kasama ng ibang manonood ay na-impressed sa unang sultada ng show.
Kung ang PNP Chief Oscar Albayalde ay bad trip sa aksyon serye ni Coco Martin dahil sa ”bad image” portrayal ng ilang mga karakter na pulis sa FPJ’s Ang Probinsyano, malamang sa hindi, ang karakter ni Ervic Vijandre ang susunod papansinin ni Koyang Oscar.
Sa Cain at Abel, Ervic plays the role of Eric, ang bad senior police officer na tirador ni Governor Gener (Ronnie Henares) na for sure ay kakasuklaman ng mga manood at pagiinitan ng PNP Chief (na super OA), dahil sa kasamaan niya.
Dahil sa karakter ni Ervic sa aksyon serye, alam ng binata na makakaapekto ito sa kanyang political career as a councilor of the City of San Juan kung nag-decide siya na tumakbo sa darating na May 2019 election.
Nang dumating ang offer kay Ervic ang magandang role (his biggest so far); nagdalawang-isip siya kung itutuloy pa rin niya ang plano na pasukin ang politika kasabay ng magandang offer ng GMA.
Hindi madali kay Ervic ang magdisisyon. Showiz career ba or political career niya.
“It’s difficult for me to make a decision. Career wise, this this is a big change for me. Sa public service gusto ko rin maglingkod sa bayan,” kuwento niya sa amin during an interview with him sa media conference ng serye.
Ayaw pakawalan ni Ervic ang pagkakataon.” Thankful ako sa GMA dahil patuloy ang suporta nila sa career ko. Hindi nila ako pinababayaan. I’m thankful sa GMA Artist Center dahil hindi nila ako pinababayaan,” sabi ni Ervic.
To be part of a Dingdong Dantes and Dennis Trillo project ay pangarap ng madaming artista lalo pa’t mga main stars (actors) ang dalawa ng isang malaking network.
“Doing a scene with Dingdong and Dennis is an experience,” pagkukuwento pa ni Ervic.
Paniwala niya: “Puwede kong sabihin na ito ang biggest break for me to be working with the biggest actor’s ng GMA. May Dingdong na, may Dennis ka pa na makakasama.”
Reyted K
By RK Villacorta