PINANOOD KO ang pelikulang The Debutantes mag-isa kahit pa meron akong hesitations dahil hindi naman talaga ako nanonood ng horror genre mag-isa. Kumbaga in one year, manonood lang ako ng horror film kung ito’y more on comedy (like past movies ni Vhong with Toni and Solenn), na-pressure ng barkada o ‘di kaya’y paborito ko ang lead stars at interesado ako sa istorya.
Para sa akin, isa si Sue Ramirez sa mga homegrown talents ng Kapamilya network na pakiramdam ko ay may potential to be a top leading lady kung mabibigyan ng pagkakataon at ng meaty roles. Sa tingin ko pero ay mas magiging bongga siya as a strong actress na can take roles na hindi dumidepende sa loveteam.
Kaya naging happy ako for Sue when she was chosen by Regal Films to be the main lead actress sa pelikulang The Debutantes. Obvious naman sa poster na siya talaga ang bida rito at sa kanya umiikot ang story. The way she handled her emotions in most scenes lalo na yung medyo creepy na ending ay remarkable. Sa pamamagitan ng kanyang pagganap as Kate, nagkaroon ako ng sympathy sa character niya kahit pa hindi well-written ang backstories ng bawat tauhan sa kuwento.
Si Miles Ocampo naman ay nag-umpisa bilang child actress at dito ay nag-blossom na siya into a woman. Kung ako ang tatanungin, mas maganda sana kung sa poster ay mas nilakihan din ang kanyang larawan dahil siya ang lumalabas na second lead dito. Very touching ang mga eksena nila ni Sue at makikita moa ng pagiging sincere niya as Lara. Like Sue, I also think na sa mga projects na hindi nakadepende sa loveteam siya dapat ilagay.
The three other ladies sa The Debutantes did just okay in their roles. Nakakairita nga sila, pero hindi rin naman nila masyadong maipapakita ang supposed depth ng karakter nila dahil wala ito sa iskript.
Mahusay ang mga paminsan-minsan na gulat scenes ng movie at bongga mag-set ng mood ang music, lights and all the technical aspects. Magaling dito ang director na si Prime Cruz. Katulad ng ilan sa mga pelikula niya na napanood ko na Can We Still Be Friends at Ang Manananggal sa 23-B, isyu ko lagi sa mga gawa niya ang mga characters na may potensyal sana, pero hindi ini-explore ng mabuti. Parang palaging may kulang. Overall ay bongga naman ang movie.
Congratulations sa The Debutantes team dahil naka-Php 3.5 Million sila sa unang araw nila sa mga sinehan. Looking forward na kami sa next horror film ng Regal na “Haunted Forest”, na napamura pa ang mga nasa tabi ko kahit trailer pa lang ‘yun at ang romance movie na “This Time I’ll Be Sweeter”, na para naman sa mga gustong kiligin.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club