ISA SA mga Pinoy celebrities na vocal pagdating sa mental health ay ang 2016 Miss International turned sexy actress na si Kylie Verzosa. Sa kanyang recent vlog kung saan sinagot niya ang mga assumptions ng mga tao sa kanya ay ibinunyag nito na five years ago ay na-diagnose siya kaya inilunsad niya ang Mental Health Matters.
“Nakaranas na ako ng mental health issue. Five years ago, I was diagnosed as clinically depressed. Masasabi ko na ‘yun ang isa sa pinakamahirap na panahon ng buhay ko, na pakiramdam ko, when I overcame it, it was such a big deal for me kaya gusto ko itong ilabas sa publiko na people can get through this. Maaari ninyong malampasan ang mga darkest days of your life and become even a better person.” sambit ni Kylie.
Patuloy pa niya, “It took me a whole year to get over my depression, and masasabi ko na hindi ako magiging the person I am today without that moment in my life dahil ang dami ko talagang natutunan.”
“And I am constantly learning and still trying to become a better person, a better version of myself. Everyday is mental health day for me” she said with a smile.
Sinagot din ni Kylie ang mga assumptions na siya ay masungit, mahilig sa branded clothes, mataas ang academics sa school at kung anu-ano pa. Inamin din niya na may insecurties siya tuwing may nakaka-eksena siya na magaling sa pag-arte.
Nalalapit na ang paglabas ng Philippine adaptation ng erotic – thriller na ‘The Housemaid’. Si Kylie ang bida sa Pinoy version kasama sina Albert Martinez, Alma Moreno, Jaclyn Jose at Louise delos Reyes. Dito natin makikita kung may improvement na talaga sa pag-arte ang beauty queen turned actress. Kung na-miss niyo naman, catch up na kayo sa ‘Parang Kayo Pero Hindi’ sa VivaMax kung saan kasama niya ang hunks na sina Xian Lim at Marco Gumabao.